Inihayag ng League of Legends team na FlyQuest ang kanilang bagong visual branding isang linggo bago ang LCS Summer Split 2021.
Mga pagbabago sa FlyQuest logo
Preskong-presko ang bagong logo ng FlyQuest sa minimalist nitong design. Ngunit bukod sa angking aesthetic nito, malalim ang pinag-hugutan ng bawat elementong bumubuo sa kanilang brand new logo. Nilayon ng kumpanya na kumatawan ito sa kanilang Go Green Initiative gayundin ang kanilang pilosopiyang “To Showcase Greatness”
Ipinaliwanag ng artist na si Clara Nguyen ang mga detalye sa likod ng pagbuo ng malinis at marikit na disenyo.
“The typeface League Spartan is customized with rounded edges to reflect a sense of boldness, adventure, and welcomeness,” banggit ni Nguyen. May dahilan din kung bakit ang pigura ng dahon ang naging sentro ng design ng logo. “The leaf drawn within the negative space of the ‘Q’ in Quest paired with an emerald green symbolizes the organization’s many environmental campaigns.”
Bagamat bago ang leaf logo sa paningin, may mga elementong hinango mula sa nakaraan nilang composition. Tampok pa rin sa bagong branding ang trademark nilang ‘Q’ design na sumasagisag sa competitiveness ng team.
Malamig din sa mga mata ang bagong primary colors ng team na white at emerald green. Paliwanag ng organisasyon, pinalitan nila ng lighter shade ang kanilang original green color para mas buhay na buhay ito tignan. Kasama na rin sa mga dahilan ng pagbabago ang pagsabay nila sa kulay ng Milwuakee Bucks na malapit nilang kapamilya sa Midwest.
Tricia Suguita, ipinaliwanag ang istorya sa likod ng rebranding
Malalim ang katwiran kung bakit isinulong ang rebranding ng organisasyon ayon kay FlyQuest CEO Tricia Suguita.
Noong sumali siya sa organisasyon noong 2018, primerang layunin ni Suguita para sa team na paigtingin pa ang suportang nakukuha nila mula sa fans. Hindi man naging madali ang kanilang tahakin, malaki ang naitulong ng kanilang Go Green Initiative upang mapalapit sa kanilang goal.
“We’ve put in a lot of effort in raising awareness for the environment and applying real action to help the planet in its time and need,” kuwento ni Tricia. “Today, I’m excited to announce that we’re updating our visual identity to reinforce the direction for our future.”
Saksihan ang new-and-improved FlyQuest sa paparating na 2021 LCS Summer Split ngayong June 4.