Babandera na ang pinakamagagaling na League of Legends teams sa Asia-Pacific region dahil magsisimula na ngayong linggo ang PCS Summer 2021 Playoffs.

Nagbabadya ang PSG Talon na kumpletuhin ang kanilang flawless run. Sila na kaya ang maging kinatawan ng rehiyon para sa Worlds 2021?

Ano ang PCS Summer 2021 Playoffs?

Pacific Championship Series
Credit: Riot Games

Ang League of Legends Pacific Championship Series (PCS) Summer 2021 Playoffs ay ang turneo kung saan malalaman kung aling koponan mula sa nasabing rehiyon ang makaka-qualify sa League of Legends World Championship ngayong taon.

PCS Summer 2021 Playoffs schedule at score

PCS Summer 2021 Playoffs Participant: PSG Talong
Credit: Riot Games

Gaganapin ang turneo simula ika-12 ng Agosto, sa ganap na ikalima ng hapon. Sisimulan ng BOOM Esports at J Team ang bakbakan.

Narito ang buong schedule at resulta ng PCS Summer 2021 playoffs. (Lahat ng oras at araw ay GMT +8.)

Agosto 12 (Huwebes)

  • Upper Bracket Round 1 — BOOM Esports vs J Team (5:00 p.m.)
  • Upper Bracket Round 1 — Machi Esports vs Hong Kong Attitude (8:00 p.m.)

Agosto 13 (Biyernes)

  • Lower Bracket Round 1 — TBA vs Berjaya Dragons (5:00 p.m.)
  • Lower Bracket Round 1 — TBA vs Liyab Esports (8:00 p.m.)

Agosto 14 (Sabado)

  • Upper Bracket Round 2 — PSG Talon vs TBA (5:00 p.m.)

Agosto 15 (Linggo)

  • Upper Bracket Round 2 — Beyond Gaming vs TBA (5:00 p.m.)

Agosto 20 (Biyernes)

  • Lower Bracket Round 2 —  TBA vs TBA (5:00 p.m.)

Agosto 21 (Sabado)

  • Lower Bracket Round 2 — TBA vs TBA (5:00 p.m.)

Agosto 22 (Linggo)

  • Lower Bracket Round 2 — TBA vs TBA (5:00 p.m.)

Agosto 27 (Biyernes)

  • Upper Bracket Final —  TBA vs TBA (5:00 p.m.)

Agosto 28 (Sabado)

  • Lower Bracket Final — TBA vs TBA (5:00 p.m.)

Agosto 29 (Linggo)

  • Grand Final — TBA vs TBA (5:00 p.m.)

Format ng PCS Summer 2021 Playoffs

PCS Summer 2021 Playoffs Bracket
Credit: PCS

Naka-seed ang walong koponan sa double-elimination bracket. Lahat ng Round 1 matches sa upper bracket at lower bracket ay best-of-three, habang ang natitirang serye naman sa turneo ay best-of-five.

Ang dalawang grand finalist ay makaka-qualify sa League of Legends Worlds 2021.

Ang mga team na lalaro sa PCS Summer 2021 Playoffs

PCS Summer 2021 Playoffs Participant: Liyab Esports
Credit: Gerald Gelacio

Ito ang walong koponan na nakaselyo ng kanilang playoffs spot mula sa PCS Summer Split

  1. PSG Talon
  2. Beyond Gaming
  3. Machi Esports
  4. BOOM Esports
  5. J Team
  6. Hong Kong Attitude
  7. Berjaya Dragons
  8. Liyab Esports

PCS Summer 2021 Playoffs prize pool

PCS Summer 2021 Playoffs Participant: BOOM Esports

Bukod sa Worlds 2021 qualification, nakasalalay din ang US$80,000 na prize pool. Mag-uuwi ang mananalo ng US$30,000 habang US$14,000 naman ang mapupunta sa runner-up.

Saan mapapanood ang PCS Summer 2021 Playoffs?

PCS Summer 2021 Playoffs Participant: Talon Esports
Credit: Riot Games

Masusubaybayan ang playoffs sa opisyal ang Twitch channel ng LoL Pacific. Ito ay ibo-broadcast sa English, Taiwanese, at Thai.