Mas malalaking parangal ang naghihintay para sa Arcane matapos humakot sa Annie Awards.
Noong Marso, nag-uwi ng siyam na parangal ang Arcane sa Annie Awards. Nanalo ang palabas sa lahat ng kategoryang nominado ito, gaya ng Best Writing, salamat sa creators na sina Christian Linke at Alex Yee, at Best Voice Acting ng voice actress ni Jinx na si Ella Purnell.
Ngayong buwan, dalawang nominasyon sa Emmy Awards ang natanggap ng Riot Games at Fortiche Productions dahil sa kanilang League of Legends series. Kilala ang prestihiyosong award-giving body sa kanilang taunang ceremony para parangalan ang pinakamagagandang palabas, serye, at personalidad sa United States television.
Nominado ang Arcane sa Outstanding Animated Program category ng 2022 Emmy
Dalawang Emmy nominations ang natanggap ng League of Legends series, Outstanding Animated Program at Outstanding Soung Editing For A Comedy Or Drama Series (Half-Hour) And Animation. Ito ang unang pagkakataon na napabilang ang Riot Games sa ganitong event.
Kasama ng Arcane sa mga nominadong palabas ngayong taon sa kategoryang Outstanding Animation Program award ang mga sikat na serye gaya “Rick and Morty” ng Adult Swim, “What If…” ng Marvel, at “The Simpsons” ng FOX.
Nagsagawa ng mga botohan ang mga miyembro ng Academy of Television Arts and Sciences (ATAS) para maselyo ang mga nominado para sa karamihan ng kategorya. Peer judging naman ang gagawin sa Agosto para makilala ang mga mananalo at iaanunsyo ito sa Primetime Emmy Awards ceremony sa Setyembre.
2022 Emmy nominations para sa Outstanding Animated Program
SHOW | EPISODE | PRODUCTION |
Arcane | “When These Walls Come Tumbling Down” | Netflix, Riot Games, Fortiche Productions |
Bob’s Burgers | “Some Like It Bot Part 1: Eighth Grade Runner” | FOX, 20th Television |
Rick and Morty | “Mort Dinner Rick Andre” | Adult Swim, Rick and Morty LLC |
The Simpsons | “Pixelated and Afraid” | FOX, A Gracie Films production in association with 20th Television Animation |
What If…? | “What If… Doctor Strange Lost His Heart Instead of His Hands?” | Disney+ • Marvel Studios |
2022 Emmy nominations para sa Outstanding Sound Editing For A Comedy Or Drama Series (Half-Hour) And Animation
SHOW | EPISODE | PRODUCTION |
Arcane | “When These Walls Come Tumbling Down” | Netflix, Riot Games, Fortiche Productions |
Barry | “starting now” | HBO, HBO Max |
Cobra Kai | “The Rise” | Netflix |
Love, Death + Robots | “In Vaulted Halls Entombed” | Netflix |
Ted Lasso | “Beard After Hours” | Apple TV+ |
What We Do In The Shadows | “The Escape” | FX |
Makikita ang kumpletong 2022 Emmy nominations dito.
Tampok sa Arcane ang backstory nina Vi at Jinx—kung paano sila sa loob ng City of Iron and Glass at kung paano nila nakuha ang kanilang kapangyarihan.
Hango sa sikat na multiplayer online battle arena (MOBA) na League of Legends ng Riot Games, panay papuri ang natanggap nito mula sa mga kilalang personalidad sa gaming community gaya ng Japanese video game designer at director na si Hideo Kojima.
Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: Nakakabilib na Arcane Jinx cosplay ni HaneAme inabot ng 120 oras sa paggawa