Shoey? Ano ang shoey? At bakit ito nangyari sa Mid-Season Invitational 2021 live broadcast ng Riot Games?

Nagsimula ang storya na ito noong April sa 2021 League of Legends Circuit Oceana Split 1 Playoffs noong tinalo ng Pentanet.GG ang PEACE, 3-1, para panalunin ang kanilang kauna-unahang championship sa Oceania.

Habang nirerepresenta nila ang Australia at ang rehiyon sa MSI 2021, sila ay napunta sa Group A, kung saan tinalo nila ang Unicorns of Love sa isang clutch tiebreaker para mag-advnace sa Rumble Stage kasama ang Royal Give Up, at para maging kauna-unahang oceanic team na makalabas sa Groups sa isang international League of Legends esports event.

Pentanet.GG sa MSI Rumble Stage 

Bilang underdogs sa MSI mula sa Down Under, kinailangan kalabanin ng Pentanet.GG ang pinakamhusay na teams sa buong mundo, kasama ang 2020 World Champion na DWG KIA.

Matapos matalo nang matalo bawat game, hindi ito hanggang sa Day 4 noong nakahanap na ng pinakaunang panalo ang Pentanet.GG sa Rumble Stage—laban ang North American LCS respentatives na Cloud9.

Kapag ang isang minor region team ay nakatalo sa isang major region team, ito ay isang magandang storya na ine-enjoy ng mga viewers at broadcast talents. 

Gumawa ng shooey sina Skojz at Caedral sa MSI broadcast 

Matapos ang panalo ng Pentanet.GG, ang mga LEC hosts na sina Eefje “sjokz” Depoortere at Marc Robert “Caedrel” Lamont ay may hawak na Red Bull can sa isanng kamay, at isang black na leather shoe sa kabila sa MSI live broadcast.

Para magbigay ng context para maipakita kung gaano ka-historic ang run ng Pentanet.GG, nagumpisa si sjokz sa pagbigay alaala sa mga viewers na natalo ang Oceanic Pro League sa gitna ng Worlds 2020. Sa kabutihang palad, napalitan ito ng LCO ng ESL ngayong taon.

“There’s not a lot of things you can do to celebrate the LCO… except for a shoey,” sabi ni sjokz. “Pentanet, this one’s for you!”

Nagbuhos ng Red Bull sina sjokz at Caedrel sa black leather oxford, at ininom nila ito mula dito.

“It’s really just to celebrate the fact that this is a huge achievement that Pentanet did,” sabi ni sjokz.

Sa kasalukuyang araw, ang fellow LEC shoutcaster nila na si Daniel “Drakos” Drakos ay nag-post ng video na gumagawa ng shoey para magbigay pugay sa panalo ng Pentanet.GG laban sa Cloud9.

So, kailan nga ba gumagawa ng shoey ang mga Australians? Ipinaliwanag ni Pentanet.GG Pabu

Matapos makita ang mga broadcast talents ng Riot na gumawa ng shoey, sinabi ng Pentanet.GG jungler na si Jackson “Pabu” Pavone sa ONE Esports na “so cool” ito dahil ang mga tao ay sumusuporta sa Australian na tradisyon na ito.

“It’s an absurd tradition, and by no means normal, but it is quite funny so it stays around,” paliwanag ni Pabu. 

“You don’t go down to the pub or the bar see someone do a shoey. That’s not how it’s like. It’s more of that 19 year old guy that’s too drunk, whipping around his t-shirt doing a shoey.” 

Ine-enjoy ni Pabu ang mga kalokohan na ito. “It’s always kind of ironic and it’s a rite of passage, almost.”