Kung sumusubaybay ka sa LEC at MSI ngayong taon, malamang ay narinig mo na ang term na “Elyoya gap”. Pero ano nga ba ‘to? Narito si MAD Lions Elyoya para ipaliwanag ang kanyang sariling League of Legends esports terminology.

Ang pinagmulan ng “Elyoya gap”

League Of Legends MAD Lions Elyoya MSI 2021
Credit: Riot Games

Ang term na “Elyoya gap” ay nagsimula noong mga panahon ng Superliga Orange (SLO) kung saan ang batang jungler ay naglalaro pa para sa Movistar Riders.

Naimbento ito noong SLO Season 19 matapos magpakita si Javier “Elyoya” Batalla ng pambihirang performance gamit ang mga champions tulad nina Volibear, Graves, at Udyr.

Sa pag-alis nya sa SLO, nadala ito sa League of Legends European Championship (LEC) nang sumali si Elyoya sa MAD Lions, kung saan nakuha nya ang LEC Spring Split 2021 Rookie award.

Ano ang “Elyoya gap” at anong ibig sabihin nito?

League Of Legends LEC Spring 2021 Final Trophy Elyoya
Credit: LEC

Ano ba talaga ang ibig sabihin ng “Elyoya gap”? Ito’y tumutukoy sa pagkakaroon ng pagbabago sa iyong laro.

“If you can impact the game, not really takeover, but make a big difference, then I think that is how we people should put the Elyoya gap,” paliwanag ni Elyoya.

“It’s not about playing better than the other jungler, because I think that’s something that most people can do. There is always that one player who’s going to be better than the other jungler.”

Saan nanggaling ang in-game name ni Elyoya?

League Of Legends MSI 2021 Elyoya Setup
Credit: Riot Games

Ipinaliwanag din ni Elyoya ang ibig sabihin ng kanyang pangalan. Ayon sa kaniya, narinig nya ito sa isang television show noong sya’y 8 years old pa lang.

“I didn’t know who said it, but it was funny for me because el yoya means ‘the one that hits,’” masayang kuwento nya. Ito’y isang Spanish slang na binago nya ng kaunti, at naging pangalan na naririnig nating isinisigaw ng mga fans ngayon.

Ano nga bang meron sa mga players na ‘to at kanilang mga eight-year old experiences?