Binunyag ng Japanese team na Detonation FocusMe (DFM) ang isang kanta na nagpapagana sa kanila sa League of Legends 2021 Mid-Season Invitational (MSI), at ito ay galing saiyong paboritong anime, ang Demon Slayer: Kimetsu no Yaiba.

Ang MSI anthem ng DF ay Gurenge 

Ginawang anthem ng Detonation FocusMe ang opening song sa Demon Slayer na “Gurenge” para sa MSI ngayong taon, at ito ay dapat lang.

“No matter the challenge, the song encourages us to keep moving forward,” sabi ng top laner ng team na si Murase “Evi” Shunsuke sa MSI 2021 broadcast. “The song encourages me when I listen to it after a loss.”

Naging instant hit ito dahil sa kaniyang masayang tunog at catchy lyrics kasama pa ang malupet na vocals ni LiSa, hindi lang sa mga anime fans at J-pop lovers, kundi pati na rin sa mga esports athletes at gamers.

Ibinahagi rin ni Evi na marami sa myembro ng Detonation FocusMe ay tagahanga ng anime na Demon Slayer, at ito ang dahilan kung bakit pinili nila ang Gurenge para maging MSI anthem ng team.

Ang dapat mong malaman tungkol sa Gurenge ng Demon Slayer 

Pinerform ng Japanese singer na si LiSa ang Gurenge, at ito ay naging isang tampok na kanta worldwide.

Ang ibig sabihin ng titulo ng kanta ay “Red Lotus” (o red spider lilly sa ibang bansa), at ito ay nagpapahiwatig ng kamatayan at reincarnation na nakikita sa ending song video ng Demon Slayer.

Credit: Ufotable

Nakakita rin ang mga fans ng ibang Detonation FocusMe sa simula ng MSI 2021, parang na-reborn ika nga ang League of Legends Japan League (LJL) representative na ito sa isang panibagong team dahil sa kanilang nakakagulat na performances.

Binigyan pa ng Detonation FocusMe ng isang major upset ang League of Legends Championship Series (LCS) team na Cloud9, at muntikan nilang matalo ang 2020 Worlds champion DWG KIA, ngunit nagkulang sila sa last team fight.