Ang League of Legends patch 11.11 ay nangangahulugang malalaking pagbabago para sa mga supports. Ang dating di pinapansin na Wardstone vision item na hindi binibili ay isa nang super gold efficient dahil sa mga bagong buffs ng kaniyang Vigilant Wardstone upgrade.

Sinabi ng Riot Games na gusto nila maging katulad ng Wardstone ang Infinity Edge ni Rabadon at Gargoyle Stoneplate na “mas malakas matapos mong pumulot ng iba pang items.”

Ang best part nito? Tinanggal ang Stirring Wardstone sa patch 11.11, at ang tier two hanggang tier three ng Wardstone upgrade ay matri-trigger nang automatic sa level 13 pagkatapos makumpleto ng mga supports ang kanilang quest.
 

Watchful Wardstone 

  • Total cost: 1100 gold 
  • Health: 150 
  • Ability Haste: 10 
  • Arcane Cache: Maaring magtabi ng 3 biniling Control Wards ang item na ito 
  • (Tinanggal) Visions of Ixtal: Tumaas ang iyong Stealth Ward, Totem Ward, at Control Ward caps nang 1 
  • (Bago) Upgrade: Kapag naabot na ang level 13 at nakumpleto ang Support Quest, automatic ito maguupgrade sa isang Vigilant Wardstone 
Credit: Riot Games

Vigilant Wardstone 

  • Build path: Automatic na naguupgrade mula sa Watchful Wardstone 
  • Health: 150 
  • Ability Haste: 15 
  • Arcane Cache: Maaring magtabi ng 3 biniling Control Wards ang item na ito 
  • Visions of Ixtal: Tumaas ang iyong Stealth Ward, Totem Ward, at Control Ward caps nang 1 
  • (New) Blessing of Ixtal: Vigilant Wardstone ay nagpapataas na ng ability power, ability haste, bonus attack damage, at bonus health nang 12% 

Paano binago ng patch 11.11 ang pagpili ng item para sa mga supports 

Ayon sa madetalyeng patch 11.11 breakdown ni David “Phreak” Turley, ang bagong Watchful Wardstone ay “basura” pa din tulad ng lumang bersyon. Ngunit ang gusto ng mga supports ay ang kaniyang upgrade.

Sa patch 11.11, ang mga supports na nasa level 13 ay maaring bumili ng Vigilant Wardstone nang direkta, at ito ay mura at nakakatulong dahil hindi sila masyadong nakakakuha ng gold in-game.

Nangangahalagang flat 1,100 gold ang Vigilant Wardsonte – ito ang pinakamurang legendary item sa laro – at makakatulong ito sa Mythic passive ng mga supports.

Alalahanin na ang Blessing of Ixtal ay nagpapataas ng bonus attack damage, ang isang stat na binibuild lamang ni Senna. Para sa kaniya, ito ay isang must-buy.

Ayon sa pagkalkula ni Phreak, ang extra stats mula sa Blessing of Ixtal ay ginagawang mas mahusay nang 500 pang gold ang Vigilant Wardstone matapos makumpleto ng isang support ang kaniyang Mythic at unang Legendary item.

“You are getting bribed to buy this item. It holds onto your wards, it gives you the ward cap, it’s absurdly gold efficient on stats you care about,” sabi ni Phreak sa kaniyang patch rundown video.

“This item is so good that it should be slightly meta-warping. I say that because getting a fourth ward is really, really, really good.”

Pumunta dito para sa full League of Legends patch 11.11 patch notes.