Isang bagong batch ng PROJECT skins ang dumating sa Summoner’s Rift, at ito ay nagdala ng 23 na karagdagang champions sa League of Legends.
Ang konsepto ng League of Legends PROJECT skins ay base sa cyberpunk at futuristic na ideyas – mga grupo ng mechanized artificial intelligence at champions na naka-suit at ito ay pinapagana ng advanced technology sa isang sci-fi dystopian na lungsod.
Lahat ng PROJECT skins ay may pangkaraniwang elemento, tulad ng glowing particle effects, geometrical patterns, at metallic robot na tunog. Ito ang lima sa mga pinaka-notable at pinakamalupet na PROJECT skins para sa amin:
5. PROJECT: Warwick
Maaring ituring na pinakamagandang Warwick skin, ang PROJECT: Warwick ay nagbibigay diin sa monstrosity ni Zaunite habang nakapaloob pa din sa kaniyang PROJECT fursuit kung saan maari mong palitan ito sa asul at pulang color schemes habang gumagamit ng Blood Hunt.
Dagdag pa niyan, kung ikaw ay curious sa human form ni Warwick, maari mong tignan nang maigi ang kaniyang recall animation para silipin ang mukha niya.
4. PROJECT: Ashe
Alam talaga ng Riot Games kung paano gumawa ng isang malupet na skin sa pamamagitan ng pagsama nila sa abilidad ni Ashe sa kaniyang cool na blue visuals.
Nagiging mas smooth ang paglaro ng League of Legends dahil sa PROJECT: Ashe skin dahil sa kaniyang simple pero maangas na visual effects na may malutong na sound effects.
Maging ito man ay ang pag-harass ng isang enemy champion gamit ang Focus ni Ranger o ang pag-iskaut ng mapa gamit ang kaniyang drone na Avarosa, pinamumunuan talaga ng PROJECT: Ashe ang bot lane.
3. PROJECT: Pyke
Ang kit ni Pyke ay ginawa para gawing mas kasiya-siya ang mga killing sprees sa League of Legends, at ito ang dahilan kung bakit sa tuwing makakakuha ng Pentakill ang isang player gamit ang kaniyang ultimate Death From Below, tumutugtog ang isang unique na track.
Ang Pentakill sound ng PROJECT: Pyke ang pinakamaangas sa mga PROJECT skins. Angkop ito sa modern look at vibe ng PROJECT: Pyke sa kaniyang panandalian ngunit satisfying na dubstep track na nag-eecho sa Rift.
Kung mahilig ka sa bold plays, para saiyo ang PROJECT: Pyke.
2. PROJECT: Vayne
Sa kaniyang PROJECT skin, ipinakita si Vayne bilang isang nightrider na mayroong sariling motorsiklo na tinatawag niya sa kaniyang recall animation. Minamaneho din niya ito habang active ang homeguard effect.
Mahal din namin ang purple holographic markers ng PROJECT: Vayne, na nagiging magarang HUD overlay sa tuwing ikaw ay mag-cacast ng kaniyang ultimate ability na Final Hour.
1. Project: Mordekaiser
Sa lahat ng 23 PROJECT skins, nangingibabaw ang PROJECT: Modekaiser. Ang kaniyang skin lore ay ikinekwento ang storya ng isang artificial intelligence (AI) na ginawa para maging isang security ng PROJECT corporation ngunit naging isang virus na ang tawag ay PROJECT: Modekaiser.
Tumatayo nang magiting ang PROJECT: Moderkaiser sa kaniyang silver armor at blood-red mace. Ang sound effects rin ng skin na ito ay sobrang lupet na maaring maituring na isang rebellious bot mula sa isang Transformers movie ang PROJECT: Mordekaiser base lamang sa kaniyang voice lines.
Kung hindi ka pa din nakumbinsi, hintayin mong mag-cast ng kaniyang ultimate ability na Realm of Death ang PROJECT: Morderkaiser, na nag-dedesaturate ng target at paligid, at panandalian mong makikita ang cyperpunk city ng Riot Games.
Ito na ba ang pinakabonggang skin ni Mordekaiser o hindi?