Nag-cocosplay man ng isang karakter o suot ang simpleng pananamit, hindi maikakailang isa si Alodia Gosiengfiao sa pinaka-marilag at kilalang mukha sa mundo ng gaming at cosplay.

Walang pagkakataong hindi nagpapamangha ang batikang cosplayer lalo pa’t kilala din ang co-founder ng Tier One Entertainment sa kaniyang pagiging mahinhin ngunit makataong pag-uugali.

Kaya naman hindi na rin kagulat-gulat na sa isang event ng Riot Games, pina-nganga muli ni Alodia ang gaming community sa kaniyang red carpet look na hango mula sa isang karakter ng League of Legends.


Elegante ang hitsura ni Alodia sa kaniyang Leona-inspired gown sa LoL Arcane premiere

Credit: Jr Francisco Photography

Mistulang ginayuma muli ni Alodia ang community sa kaniyang eleganteng dress sa red carpet premiere ng League of Legends anime series na Arcane na ginanap sa Los Angeles, California.

Nakatutok ang lahat ng mga mata sa cosplayer na suot ang isang golden corset dress na hinabi mula sa LoL Champion na si Leona. Katambal pa ng nasabing dress ang isang headdress na hinango rin mula sa headpiece ng naturang karakter na lalo pang nagpakilig sa mga fans ng Solari warrior.

Ang gown ay likha ng local bridal designer na si Mara Chua sa tulong ng international designers na sina Oscar de la Renta at Vera Wang na sila ding nagdadamit sa mga Marvel superstars na sina Scarlett Johansson at Zendaya.

Hindi lamang dahil sa kaibig-ibig ang litrato ng cosplayer kaya nanakuha ito ng atesnyon sa social media. Kasama din nito ang kontrobersyal na caption ng post na mistulang tinutukoy ang kinahinatnan ng kaniyang dating relasyon.

“Hi. I’m the one you took for granted,” sulat ni Alodia sa kaniyang social media accounts.

Makaraan naman ay pinabulaan ni “Boss A” ang namumuong istorya at sinabing siya lamang daw ay nagpapatawa.

Maaring mapanood ng mga fans ang livestreams ni Alodia sa kaniyang Facebook page.

Sundan na din ang Facebook page ng ONE Esports Philippines para sa mga istorya tungkol sa komunidad.

BASAHIN: Alodia at Tryke super proud sa Blacklist International