Ang pinakamadalas na engage supports na ginagamit sa meta ng League of Legends ay sina Leona, Alistar, Sett, Nautilus, at Rakan.

Sa mga na ito, pinaka-bida ang Alistar ngayong linggo matapos ipakita ng Royal Never Give Up support player na si Shi “Ming” Sen-Ming ang perpektong maniobra ng champion sa laban kontra JD Gaming sa Week 7 ng LPL.

Kahit pa hindi naging matagumpay sa bakbakan kontra Top Esports at Suning sa Week 4 ng 2021 LPL Summer Split, umaarangkada na muli ang Royal Never Give Up na mayroong six-match win streak.

Paano nagawa ng pro support player ang game-winning combos? Anong mga runes ang ginamit niya, at anong naging ruta ng builds niya?

Mga support runes na ginamit ni RNG Ming para sa Alistar

Credit: Riot Games

Sa unang sultada laban sa JD Gaming, tampok ang dalawang front liners para sa kupunan ng Royal Never Give Up kung saan pumwesto sa mid ang Galio at Alistar naman ang support sa bot lane.

Bilang frontiler para sa kaniyang kupunan, heto ang mga runes na pinili ni RNG Ming sa primary Resolve tree:

  • Aftershock (keystone rune)
  • Front of Life
  • Bone Plating
  • Unflinching

Ito naman ang secondary runes na pinili niya sa Inspiration tree: 

  • Cosmic Insight
  • Hextech Flashtraption
Screenshot ni Amanda Tan/ONE Esports

Masasabing ang Aftershock sa Resolve tree ang pinaka-angkop na keystone rune para sa Alistar, isang champion na mahusay sa pagkontrol ng mga kalabang champions. Kasabay nito, swabe din ang Front of Life sa crowd control mechanic at binibigyan ng tiyansang mag-heal ang mga kakampi kapag gumamit ng auto attack.

Dahil nakasentro ang lineup ng JD Gaming sa burst damage champions gaya nina Kha’Zix at Twisted Fate, pinili ng support player na ikarga ang Bone Plaating para mabawasan ang incoming damage ng mga kalaban.

Matalino din ang pagpili ni RNG Ming sa Unflinching bilang pangontra sa slow ability ng Gwen, Kha’Xiz, Twisted Fate, at Leona ng JDG.

Kinakailangan din ang Hextech mula sa Inspiration Tree kay Alistar para madagdagan ang engage ability ng champion. Magiging epektibo ito kung maganda ang positioning ng player sa bush, kung saan makapambibigla ang Hextech Flash – Pulverize combo.

Pinatataas naman ng Cosmic Insight ang Summoner Spell at bilis ng items. Kung palaging may Flash ang Minotaur, mas mataas ang tiyansa niyang makagawa ng engagements.


Item build ni RNG Ming sa Alistar

Relic Shield ang unang item ni RNG Ming par sa kaniyang melee support champion. Kasunod nito, ni-rush niya ang Ionian Boots of Lucidity. Matataandaang popular ang item choice na ito para sa mga supports sa meta ngaayon dahil sa bonus na 20 Ability Haste na sulit sa 950 gold.

Para madagdagan pa ang engage potential ng champion, binuo ni RNG Mig ang Mythic item na Shurelya’s Battlesong para sa kaniyang Alistar. Kontra Sivir na kayang pabilisin ang kaniyang mga kakampi gawa ng kaniyang ultimate, malaki ang tulong ng mythic item para mabigyan ng tiyansang maka-reposition ang kaniyang mga kasamahan.

Anathema’s Chains naman ang pinili ng Royal Never Give Up support para sa kaniyang ika-apat na item. Ang bagong item na ito ay lumabas sa League of legends noong June 2020 sa patch 11.13. Pinapababa nito ang tenacity ng markadong “nemesis”, kaya naman pinapataas nito ang crowd control ng Alistar sa kaniyang target.

Item build ni RNG Ming kontra sa kaniyang Alistar kontra JD Gaming:

  • Relic Shield
  • Ionian Boots of Lucidity
  • Shurelya’s Battlesong
  • Anathema’s Chains

Game-winning combo ng Alistar

Sa late game, lamang ang Royal Never Give Up ng 4,000 gold sa JD gaming at sa posisyon sa mapa, kaya naman sinimulan nila agad ang Bron sa ika-31 minuto ng laro.

Perpektong Pulverize at Haedbutt combo ang pinakawalan ni Ming bago pa man tuluyang bumagsak ang Baron. Sa proseso, nakuha niya ang dalawang miyembro ng JD gaming at binigyan ng pagkakataon ang Galio ni  Yuan “Cryin” Cheng-Wei para  makakuha pa ng mga knock up.

Kaalinsabay nito, pinakawalan din ni Ming ang Trample at ang ultimate ng kaniyang champion na Unbreakable Will para mabawasan ang incoming damage sa kaniya. Dahil dito, naselyo ng RNG ang game one panalo. 

Dahil sa malaking momentum na dala ng kanilang unang panalo, naisarado ng Royal Never Give Up ang serye sa 2-1 kontra JD Gaming.