Nakita na natin kung paano in-adapt ang flagship title ng Riot Games na si League of Legends sa iba’t-ibang media at genre – bilang isang tabletop game, isang graphic novel, at kahit isang novella. Matapos ang 11 na taon ng pagbuo ng kaniyang lore at universe, oras na para makakuha tayo ng isang League of Legends na anime.

Ang “Arcane” ang pinakaunang animated series ng League of Legends. Ang bida dito ay ang mga kampeon na sina Jinx at Vi at mas malalaman ng mga manonood ang kanilang mga backstories – kung paano lumaki ang magkapatid sa Zaun at kung paano nila nakuha ang kanilang mga powers.

Ang mga kampeon lang na confirmed para sa anime ay sina Jinx at Vi. Ito ang lima pang kampeon na gusto namin makita sa League of Legends na anime na ito:

5. Mage champion Seraphine bilang isang street performer 

Credit: Riot Games

Base lang sa mga teasers at trailers, ang tono ng Arcane ay tugma sa dark-adventure genre nito.

Alam nating ang masayahing Seraphine ay hindi bagay dito, ngunit nais nating makita siya sa isang cameo appearance bilang street performer sa Piltover. Mahilig maglagay ng mga easter eggs ang Riot Games tulad nito, kaya ang isang low-key Seraphine appearance sa League of Legends anime ay hindi malabong mangyari.

4. Ekko bilang Zaun buddy ni Jinx 

Credit: Riot Games

Ang pinakaunang League of Legends anime announcement trailer ay nagpakita ng mga kalye ng Zaun, at alam nating lahat ito ay teritoryo ni Ekko. 

Ang time manipulator na si Ekko ay magiging isang ideal side character sa Arcane hindi lang dahil sa kaniyang gritty champion design, pero pati na rin dahil mayroong isang one-sided crush si Ekko kay Jinx, base sa kaniyang opisyal na voice line.

Makikita na ba natin kung paano nabuo ang Ekko x Jinx ship sa League of Legends anime na ito?

3. Urgot bilang kontrabida 

Credit: Riot Games

Syempre, lahat ng anime ay kailangan mayroong kontrabida, at sa tingin namin, si Urgot ang dapat na maging kontrabida sa Arcane.

Nakita na ng mga fans ang kaniyang katakot-takot na anyo sa cinematic na Warriors 2020 ng League of Legends noong nilabanan niya si Caitlyn at Vi, ang bringers of justice ng Piltover. 

Maliban dito, ang setting ng Arcane ay maaring bumuo ng paghihiganti ni Urgot sa Zaun, ang lugar ng kaniyang nga nag-torture sa kaniya, at ang Piltover, ang lungsod kung saan siya ay nakulong. Maari pa nga I-animate ng Riot Games ang isa sa kaniyang mga eksena sa Urgot’s lore:

“Starting a riot that ignited a chemtech vein within the mine, Urgot shook the city above, and cracked the prison open in an explosion that rivaled the birth of Zaun itself. Many prisoners died, with thousands fleeing into the Sump—but the worthy, as ever, survived.”

 
2. Marksman champion Caitlyn bilang Piltover partner ni Vi 

Credit: Riot Games

Ngunit totoo na ang pinakabida ng Arcane ay sina Jinx at Vi, gusto pa rin naming makita si sheriff Caitlyn sa aksyon. Maari siya maging parte ng League of Legends anime bilang isang supporting character kay Vi.

Maari nating ma-imagine ang dalawang Champions sa mga huling episodes sa kanilang mga epic na melee fighting scenes.

Ang paglabas ni Caitlyn sa Arcane ay maaring sumagot sa tanong “Sino ang mas malupit na marksman as League of Legends?” Magpustahan na kayo – Peacemaker o Fishbones?
 

1. Janna bilang isang hindi inaasahang bisita 

Credit: Riot Games

Ngunit mukhang malabo na lalabas ang wind spirit na si Janna bilang isang character sa League of Legends anime dahil sa gitna ng gulo sa Zaun at Piltover, pero makinig muna kayo.

Sa simula ng announcement video ng Arcane, makikita mo ang isang airship na dumaan sa batang Vi at Jinx. Makikita natin si Janna na gabay ang ship papuntang kaligtasan gamit ang kaniyang air magic. Maari siyang magpakita ng saglit sa Arcane bilang isang minor character, tulad ni Seraphine.