Sa isa nanamang makasaysayang pagkakataon, kabilang ang League of Legends bilang medaled event sa ika-31 Southeast Asian Games.
Tampok sa 31st SEA Games League of Legends discipline ang anim na bansa—Pilipinas, Singapore, Laos, Malaysia, Vietnam, at Thailand. Paglalaban-labanan ng mga ito ang gintong medalya.
Schedule at resulta ng 31st SEA Games League of Legends
Nakatakdang ganapin ang League of Legends discipline simula sa ika-20 hanggang ika-22 ng Mayo. Sa unang araw gaganapin ang group stage, habang sa sumunod na dalawang araw naman ang final stage.
Group Stage
Group A
BANSA | STANDING |
Philippines | 3 – 1 |
Singapore | 3 – 1 |
Thailand | 0 – 4 |
BANSA | RESULTA | BANSA |
Thailand | 0 – 1 | Singapore |
Philippines | 1 – 0 | Thailand |
Singapore | 1 – 0 | Philippines |
Singapore | 1 – 0 | Thailand |
Thailand | 0 – 1 | Philippines |
Philippines | 1 – 0 | Singapore |
Tiebreaker
BANSA | RESULTA | BANSA |
Philippines | 1 – 0 | Singapore |
Group B
BANSA | STANDING |
Vietnam | 4 – 0 |
Malaysia | 2 – 2 |
Laos | 0 – 4 |
BANSA | RESULTA | BANSA |
Vietnam | 1 – 0 | Malaysia |
Malaysia | 1 – 0 | Laos |
Vietnam | 1 – 0 | Laos |
Malaysia | 0 – 1 | Vietnam |
Laos | 0 – 1 | Malaysia |
Laos | 0 – 1 | Vietnam |
Final Stage
Semifinals
BANSA | RESULTA | BANSA |
Philippines | 3 – 1 | Malaysia |
Vietnam | 3 – 0 | Singapore |
Bronze Medal Match
BANSA | RESULTA | BANSA |
Malaysia | 1 – 3 | Singapore |
Gold Medal Match
BANSA | SCHEDULE | BANSA |
Philippines | 0 – 3 | Vietnam |
Format ng 31st SEA Games League of Legends
Nahahati sa dalawang yugto ang turneo—ang group stage at final stage.
Sa group stage, hinati sa dalawang pangkat ang anim na kalahok. Kasama sa Group A ang Philippines, Singapore, at Thailand, habang nasa Group B naman ang Vietnam, Malaysia, at Laos.
Best-of-one, double round-robin ang format nito. Ang dalawang koponang magtatapos na may pinakamataas na record ay makakapasok sa final stage.
Ang top two teams mula sa parehong grupo ay aabante sa single-elimination bracket. Haharapin ng top seed ng Group A ang second seed ng Group B, habang ang top seed naman ng Group B ang lalaban sa second seed ng Group A.
Lahat ng laban sa final stage ng 31st SEA Games League of Legends ay best-of-five, pati ang grand final.
Saan mapapanood ang 31st SEA Games League of Legends
Masusubaybayan ang mga laban sa 31st SEA Games League of Legends sa opisyal na YouTube channel ng SEA Games 31 Viet Nam 2021.
Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa League of Legends, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
BASAHIN: 31st SEA Games: Esports standings at bilang ng mga medalya