Nandito na ang 2021 LPL Summer Week 1!
Kasunod sa pagkatapos ng LPL Spring playoffs noong Abril at ang isang intense na Mid-Season Invitational noong Mayo, magbabalik ang 2021 LPL Summer Split matapos ang isang mahigit na isang buwan na break.
Nagwagi ang Royal Never Give Up matapos ang isang matinik na five-game na serye laban sa reigning World Champions na DWG KIA para maiuwi ang MSI 2021 na tropeo.
Maraming fans at analysts ang nagsasabi muli na ang LPL ang pinakahusay na rehiyon sa mundo. Ito ang tatlong must-watch 2021 LPL Summer Week 1 matches na hindi mo gustong ma-miss.
June 7 – Invictus Gaming vs Suning
Sa kabila ng mabagal na simula sa Spring, nakatapos sa 7th place ang Suning sa regular season, dalawang spots sa taas ng Invictus Gaming.
Bagaman ang dalawang teams ay nag-qualify par sa playoffs, nakarating ang Suning sa Round 3, habang ang Invictus Gaming ay tinanggal ng Rare Atom sa Round 1.
Sa opening match ng 2021 LPL Summer Week 1, lalabanan ng Invictus Gaming nang wala ang kanilang superstar top laner na si Kang “TheShy” Seung-lok at ang bagong head coach na si Jeong “NoFe” No-chul dahil sa travel restrictions.
Ang papalit sa pwesto ni TheShy bilang top place ay ang academy player nila na si Zhao “neny” Zhi-Hao, na mag-dedebut sa big league. Matatalo kaya sila ng seasoned squad ng Suning?
June 12 – JD Gaming vs Top Esports
Ang dalawang higante na ito, ang JD Gaming at Top Esports ay hindi dapat binabalewala. Sila ay nagtagpo sa 2020 LPL Spring at Summer final, at sila ay parehas na nakakuha ng championship noong nakaraang taon at nirepresenta nila ang kanilang rehiyon sa Worlds.
Tinapos ng dalawang teams ang 2021 LPL Spring sa 3rd at 4th place. Ngunit sa playoffs, naputol ang run ng JD Gaming dahil sa FunPlus Phoenix sa Round 3, habang ang Top Esports naman ay tinanggal ng Royal Never Give Up sa lower bracket ng Round 4.
Nagbabalik sila sa parehas na rosters sa 2021 LPL Summer Week 1, at hindi kayo mabibigo sa best-of-three na ito. Asahan ang isang banger na serye.
June 12 – Edward Gaming vs Invictus Gaming
Ang top teams ng Spring ay ang Edward Gaming at Royal Never Give Up, dalawang organisasyon na dumaan sa isang malaking roster change na nakabuti para sa kanila.
Dahil sa kanilang laro laban sa Invictus Gaming, dadagdag ang Edward Gaming sa isang mahirap na 2021 LPL Summer Week 1 schedule para sa black at white squad.
Pinangungunahan ng isa sa mga pinakamahusay na AD carries sa mundo, ang dating LCK Griffin player na si Park “Viper” Do-hyeon, determinado ang Edward Gaming makakuha muli ng isang domestic title. Sila ay na-edge out ng FunPlus Phoenix sa semifinals ng Spring, 3-2 sa upper bracket, at ng Royal Never Give Up, 3-2 sa lower bracket.
Asahan ang isang levelled-up na Edward Gaming ngayong Summer.
Panoorin ang mga 2021 LPL Summer Week 1 matches na ito live sa opisyal na Twitch at YouTuber channels ng LPL simula June 7.