Nalalapit na ang pagwawakas ng League of Legends Pro League (LPL) 2021 Summer Split. Mula sa 17 koponan sa franchise, 10 lang ang makaka-abante sa 2021 LPL Summer playoffs.

Matapos ang siyam na linggo ng regular season, ginantimpalaan ang Edward Gaming at FunPlus Phoenix ng Round 3 seeding sa playoffs dahil sila kanilang pangingibabaw sa leaderboard.

Top Esports naman ang huling team na nakapasok sa 2021 LPL Summer playoffs upang makumpleto ang lahat ng mga kalahok.

Advancing scenarios para sa 2021 LPL Summer playoffs
Credit: LPL

Ang 10 teams na naka-qualify sa 2021 LPL Summer playoffs

Credit: Edward Gaming
  • Edward Gaming
  • FunPlus Phoenix
  • Team WE
  • Rare Atom
  • LNG Esports
  • Royal Never Give Up
  • Bilibili Gaming
  • Oh My God
  • Suning
  • Top Esports

2021 LPL Summer playoffs format

Parehong format mula sa nakaraang Spring split ang gagamitin sa paparating na 2021 LPL Summer playoffs.

King of the hill ang format sa unang tatlong round. Simula naman sa ika-apat na round, double-elimination na ang ipatutupad upang magkaroon ang mga koponan mula sa upper bracket na makapasok sa semifinals mula sa lower bracket.

Ang grand final ang magdidikta kung sino ang hihiranging kampeon ng 2021 LPL Summer at first seed ng Chinese region para sa Worlds 2021.

2021 LPL Summer playoffs
Credit: LPL

Nakatakdang ganapin ang naturang playoffs simula sa ika-12 ng Agosto sa ganap na ikalima ng hapon. Maaari itong subaybayan sa opisyal na Twitch channel ng LPL.

Para sa karagdagang impormasyon, i-follow ang LPL English sa Twitter.