Nagsimula na ang nagbabagang aksyon sa 2021 LPL Summer Playoffs. Sa sampung kupunang naka-qualify dito, isa lamang ang tataguriang LPL Summer champions na sila ring kakatawan sa rehiyon bilang first seed sa paparating na League of Legends World Championship (Worlds 2021).

Ibinase sa 2021 LPL Summer Split standings ang seeding ng mga kupunang maglalaro sa playoffs. Tampok sa 2021 LPL Summer Playoffs ang king of the hill format mula Round 1 hanggang Round 3, at upper at lower bracket naman mula Round 4 hanggang sa kongklusyon nito.

Lahat ng labanang magaganap sa torneyo ay best-of-fives. Heto ang kumpletong schedule at mga resulta:

Kumpletong schedule at results ng 2021 LPL Summer Playoffs

Lahat ng petsa at oras ay nakabase sa GMT+8 time zone.

Credit: LPL

Round 1

  • LNG Esports 3 – 2 Suning 
  • Team WE 3 – 0 Oh My God

Round 2

  • Top Esports 1 – 3 LNG Esports
  • Bilibili Gaming 0 – 3 Team WE

Round 3

  • Royal Never Give Up vs LNG Esports (August 19, 5:00 p.m.)
  • Rare Atom vs Team WE (August 20, 5:00 p.m.)

Round 4

  • FunPlus Phoenix vs TBD (August 21, 5:00 p.m.)
  • Edward Gaming vs TBD (August 22, 5:00 p.m.)
  • TBD vs TBD (August 26, 5:00 p.m.)

Semifinals

  • TBD vs TBD (August 27, 5:00 p.m.)
  • TBD vs TBD (August 29, 5:00 p.m.)

Grand final

  • TBD

Saan mapapanood ang 2021 LPL Summer Playoffs

Credit: Edward Gaming, LPL

Maaaring mapanood ng fans ang aksyon sa English livestream na matatagpuan sa official Youtube channel ng LPL gayundin sa Twitch channel nito.