Nagbabalik ang League of Legends Championship Series sa kanilang 2021 LCS Summer Split. 

Ito ang ilan sa mga must-watch matches ng 2021 LCS Summer Week 1. 

Lahat ng araw ay binase sa GMT+8 time zone. 

June 5 – Team Liquid vs TSM 

Credit: TSM

Isang classic na tunggalian sa LCS, ang Team Liquid at TSM ay magsasagupaan sa day one ng 2021 LCS Summer Week 1.

Dahil ang dalawang teams na ito ay nagkulang lang ng iilang games para makapag-qualify para sa 2021 Mid-Season Invitational, ang match na ito ang tutukoy kung sino ang gumawa ng tamang improvements para tawagin ang sarili nila bilang isang Worlds-ready team.

Bantayan ang pinakabatang players ng teams na sina Edward “Tactical” Ra ng Team Liquid at si Mingyi “Spica” Lu ng TSM. Nagsimula sila bilang Academy teammates hangga’t sa maging karibal, ang mga players na ito ay magpapakita kung bakit sila ang New Era ng LCS.

June 6 – Cloud9 vs 100 Thieves 

Credit: 100 Thieves

Matapos ang isang malakas na showing sa MSI 2021, ang Spring champions na Cloud9 ay babalik sa 2021 LCS Summer Week 1 para harapin ang 100 Thieves.

Habang ang serye na ito ay maaring isang easy win para sa Cloud9 noong Spring, pinalakas ng 100 Thieves ang kanilang line-up sa off-season sa pamamagitan nang pagdagdag kay Felix “Abbedagge” Braun.

Magsisilbing solid pillar si Abbedagge sa 100T game plan. Isang consistent at independent na mid laner, siya ang bubuo ng mas maraming pagkakataon para sa jungler nila na si Can ‘Closer” Celik.

Kalaban ni Abbedagge ang kaniyang kapwa EU player na si C9’s Luka “Perkz” Perković. Dahil tinuturing na king ng mid lane si Perkz, maaring madirekta ni Abbedagge ang summer journey ng 100T sa pamamagitan ng pag-dethrone sa kaniya sa 2021 LCS Summer Week 1.

June 7 – Cloud9 vs Team Liquid 

Credit: Team Liquid

Ang huling araw ng 2021 LCS Summer Week 1 ay magpapakita ng isang Mid-Season Showdown final rematch as pagitan ng Cloud9 at Team Liquid.

Sa kabila ng isang talo sa MSS dahil sa kawalan ng kanilang starting jungler na si Lucas “Santorin” Larsen, gagamitin ng TL squad ang opening week para makalamang.

Isinasaalang-alang ang bagong connected split format ng LCS, ang 12-6 Spring record ng Team Liquid ay nangangahulugang sila ay nagkulang ng isang laro na lang para pangunahan ang league. Kung sila ay mananalo laban sa C9 sa simula ng season, maaring itaguyod pa nito ang status ng TL bilang isang stalward Summer contender.

Ang head coach ng Team Liquid na si Joshua “Jatt” Leesman ay nagbigay ng update sa mga fans sa mindset ng team.

“We did our best to actually take an off-season so that we could have energy for the nine week sprint that is ahead of us,” sabi ni Jatt. “Not taking a breath in between Spring and Summer would be really costly, so we did our best to do that.”

Sa approach naman nila sa gameplay, ipinaliwanag ni Jatt na susubukan ng team maging flexible. 

Paanorin ang mga 2021 LCS Summer Week 1 matches na ito live sa opisyal na Twitch at YouTube channels ng LCS simula June 5.