Magbabalik ang League of Legends Champions Korea sa pamamagitan ng 2021 LCK Summer Week 2.
Kasalukuyang pinamumunuan ng Afreeca Freecs, Gen.G, at Nongshim RedForce ang LCK sa kanilang 2-0 records, at dahil dito maaring sirain ng natitira sa liga ang kanilang perpektong records sa paparating na linggo.
Ito ang tatlo sa mga must-watch matches na gaganapin sa 2021 LCK Summer Week 2.
June 16 – KT Rolster vs Gen.G
Maglalaban-laban ang KT Rolster at top guns na Gen.G sa unang araw ng 2021 LCK Summer Week 2.
Habang maaring nagaakala na makukuha ng Gen.G ang serye na ito, maaring mag-pull off ng isang hindi inaasahang upset ang KT Rolster. Kamakailan lamang tinalo ng team ang DWG KIA, at nagkaroon ng matinding performances mula sa mid laner nilang si Kim “Dove” Jae-yeon at AD carry na si Oh “Noah” Hyeon-taek.
Kung handa ang Gen.G para ipagpatuloy ang kanilang perpektong record, titignan namin kung kaya ipatumba ni Gwak “Bdd” Bo-seong si Dove at patunayan na siya ang tunay na hari ng mid lane.
June 17 – DWG KIA vs Afreeca Freecs
Haharap ng isang nakakainteres na match-up ang DWG KIA sa kanilang laban sa Afreeca Freecs sa 2021 LCK Summer Week 2.
Mayroong 1-1 record ang 2021 LCK Spring champions matapos ang isang nakakagulat na pagkatalo sa KT Rolster. Kung gusto nilang manatili sa leaderboard, gusto sana naming makakita ng mas dominating na appreance mula sa AD carry na si Jang “Ghost” Yong-jun.
Sa kabilang parte naman, ito ang perpektong oras para ma-solidify ng Afreeca Freecs ang kanilang pwesto sa top 3. Hindi man sila ang pinakabonggang squad, ngunit kung kayang I-rally ni AF ang top laner na si Kim “Kiin” Gi-in at AD carry na si Han “Leo” Gyeo-re, maaring makakita tayo ng isa pang upset para sa DWG KIA.
June 18 – Hanwha Life Esports vs Liiv SANDBOX
Papasok sa isang do-or-die na serye ang Hanwha Life Esports laban sa Liiv SANDBOX sa 2021 LCK Summer Week 2.
Ang dalawang teams ay mayroong win-less records (0-2) kaya malalaman sa mathc na ito kung sino ang mapupunta sa last place sa paparating Week 3.
Mukhang ang HLE ang magiging malakas na grupo dahil sa kanilang super duo na si Jeong “Chovy” Ji-hoon at Kim “Deft” Hyuk-kyu. Ang kanilang huling dalawang match-ups ay laban ang T1 ay Gen.G, at maaring ito na ang oras para sa big break ng Hanwha at makaakyat sa standings.
Maari mong panoorin ang 2021 LCK Summer Week 2 sa opsiyal na Twitch at YouTube channels ng LCK.