Handa na ang League of Legends Champions Korea para sa 2021 LCK Summer season.

Bilang isa sa mga pinakamalalakas na rehiyon sa buong mundo, narito ang tatlo sa mga laban na hindi mo dapat palampasin sa 2021 LCK Summer Week 1.

June 11 – Fredit BRION vs Afreeca Freecs

LeagueOfLegends 2021 LCK Summer Week 1 Afreeca_Freecs_Cain Kiin
Credit: LCK

Tampok sa Day2 ng 2021 LCK Summer Week 1 ang underdog clash sa pagitan ng Fredit BRION at Afreeca Freecs.

Bilang dalawa sa mga teams na nagtapos sa ibaba ng Spring leaderboard, ang match na ito ang magpapatunay kung sinong team ang nagkaroon ng mas malaking improvement sa offseason.

Tila may lamang ang Afreeca Freecs dahil sa pagpasok ng dating Team Liquid staff na si Jang “Cain” Nu-ri bilang head coach. At dahil isa ang TL sa mga malalakas na teams sa LCS, inaasahang magdadala si Cain ng western twist sa gameplay ng Afreeca Freecs na magiging alas nila laban sa Fredit BRION.


June 11 – T1 vs DWG KIA

LeagueOfLegends LCK T1 Couch
Credit: T1

Ang laban sa pagitan ng dalawang LCK dynasties, ang 2021 LCK Summer Week 1 match sa pagitan ng T1 at DWG KIA ang maaaring magdikta ng competitive stage para sa buong season.

Maraming pagbabago ang naganap sa T1 magmula noong hindi sila nakapasok sa Worlds 2020. Ang star player na si Lee “Faker” Sang-hyeok ang tumatayong leader ng squad at ngayon ay binubuo ng mga beterano at talentadong baguhan.

Isa rin sa mga kinatatakutang teams ang DWG KIA. Bagamat hindi sila nanalo sa 2021 Mid-Season Invitational laban sa Royal Never Give Up, siguradong higit pa sa handa sina Heo “ShowMaker” Su at ang DK squad para i-defend ang kanilang LCK championship status.


June 12 – Hanwha Life Esports vs Gen.G

LeagueOfLegends LCKSpring Week5 HanwhaLifeEsports 2021
Credit: Hanwha Life Esports

Magakakaroon din sa 2021 LCK Summer Week 1 ng showdown sa pagitan ng top Spring teams na Hanwha Life Esports at Gen.G.

Bagamat nahirapan sa DWG KIA, nagtapos sa top three ng Spring ang dalawang teams. Wala halos nagbago sa roster ng HLE at Gen.G kung kaya’t inaasahang ang kanilang consistent playstyles sa labang ito.

Ang season na ito ang itinuturing na daan patungong Worlds 2021, at ang Gen.G ang masasabing mas maraming pinagdaanan sa pagitan ng dalawang teams. Matapos malaglag ng maaga sa Worlds 2020 ng G2 Esports, inaasahan ang Tiger Nation squad na mamayagpag sa Summer upang mapagtibay ang kanilang tsansa na makapaglaro sa international tournament.

Mapapanood ang 2021 LCK Summer Week 1 sa official LCK Twitch at YouTube channels.