Papalapit na sa mga huling linggo ng bakbakan ang League of Legends Champions Korea (LCK) 2021 Summer Season kaya’t makikilala na ang mga koponang papasok sa 2021 LCK Summer playoffs.
Matapos ang Week 8 ng regular season, naselyo na ng Nongshim RedForce, DWG KIA, at Gen.G ang kani-kanilang spots sa playoffs.
Dahil dalawang linggo na lang ng Summer season ang natitira, inaasahan na mag-iinit lang lalo ang aksyon para sa tatlong natitirang 2021 LCK Summer playoffs slots.
Ayon sa LCK stats ng your.gg, 90% ang tyansa ng T1, Liiv SANDBOX, at Afreeca Freecs na maka-qualify.
Sa kabilang banda, mukang tagilid naman ang tsansa ng Hanwha Life Esports, KT Rolster, at Fredit BRION, ilang koponan na nasa mas mababang parte ng standings, na mapahaba pa ang kanilang kampanya.
Samantala, ang last seed na DRX naman ay eliminated na sa playoff contention.
Ang anim na teams na naka-qualify sa 2021 LCK Summer playoffs
- Nongshim RedForce
- Gen.G
- DWG KIA
- TBD
- TBD
- TBD
Parehong single-elimination bracket format noong 2021 LCK Spring playoffs ang gagamitin sa papalapit na Summer playoffs.
Sasalang sa best-of-five series ang mga qualified teams, pero rekta na sa semifinals ang top two seeds ng regular season.
Hihirangin bilang Summer Champion ang koponang magwawagi sa 2021 LCK Summer playoffs at makaka-qualify din sa Worlds 2021 bilang first seed ng Korean region.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa 2021 LCK Summer playoffs, maaaring i-follow ang opisyal na Twitter account ng LCK Global.