Unang beses akong naglaro ng Genshin Impact ay sa kaniyang launch week noong September 2020.
Dinownload ko ito sa PC at sinubukan nang kalahating oras bago ako nahilo. Dahil sa kaniyang third person POV, kinailangan ko itong tigilan. Tapos sibukan ko itong laruin sa mobile ngunit sumuko ako dahil hindi ko nagustuhan ang mga controls nito.
Ngunit bilang editor ng ONE Esports, naging isang malaking parte ng buhay ko ang best performing title ng miHoYo. Pinahalagahan ko na marami sa katrabaho ko ang nag-enjoy sa larong ito at naglaan ng oras para dito. Ngunit matapos ang dalawang taon, hindi ko nagustuhang balikan ito… hanggang sa nagkaroon ng comeback ang banner run ni Zhongli.
Ang kagustuhan kong ma-pull si Zhongli
Ang ideya na bumalik ako sa Genshin ay nagumpisa noong naghintay ako maglaro ng Valorant ang katrabaho ko.
Sa kaniyang Twitch stream, nag-pupull si Joseph para kay Shenhe na nakuha niya matapos gumastos ng 12,000 primogems. Kahit na wala akong interes sa character na ito, nagiyak ako sa pagsama ko sa thrill ng kaniyang pag-roll. Talagang may “something” sa panonood ng isang tao na umasa para sa iisang bagay, ang pagdamdam nila pag hindi nila ito nakuha, at ang pagbalik nila sa pagikot na pagasa.
Matapos ang tatlong araw, inedit at pinublish ko ang “5 reasons why you should absolutely blow all your Primogems on Zhongli” article ni Khristine, at napaisip ako na bumalik sa laro para sa kaniya. Tutal isa siyang diyos, may isa siyang statwa, at mayroon siyang nanlilisik na mata.
Kaya noong Lunar New Year break, inunstall ko na ang Dota 2 para makadownload ng Genshin Impact.
Ang paggastos ko ng lahat ng red packet money ko sa Genshin Impact
Sa pagbalik ko sa laro, ang pinakamalaking natuklasan ko ay hindi ang pagiging in love ko kay Zhongli, ngunit ang paglalaro ko nang hindi na nahihilo. Matapos ang isang taon na tinrain ko ang sarili ko sa Valorant sa first person POV, kahit papaano, naka-adapat ang katawan ko sa third person games.
At handa na ang katawan ko para kay Zhongli.
Ang intense na positibong emosyon ay lumaki kasama ang mga negatibo na nagmula sa katotohanan na hindi ako masaya sa mga free starting characters tulad nina Lumine, Amber, Kaeya, at Lisa. Si Kaeya, kahit isang gwapong lalaki na may maangas na ugali, ay mas ginusto ko pang gumawa ng ice bridge kaysa magdulot ng damage.
Dahil nakatuon na ang puso at isip ko kay Zhongli, nagipon ako ng lahat ng aking Hero’s Wit, Adventurer’s Experience, at Wanderer’s Advice books para sa kaniya. Sa mga huling araw ng rerun banner ni Xiao, sinimulan ko na mag-grind para makaipon ng libreng Primogems para makahanda sa pagdating ni Zhongli.
Ngayon na may 6,000 Primogems na ako, ni-roll ko ang banner ni Zhongli sa unang araw na lumabas siya… ngunit nabigo ako.
Ang inaasam ko na asawa ay hindi ko pa nakukuha, kahit na masaya naman ako na nakuha ko sina Beidou, Xingqiu, at Yanfei dahil sila na ay malalaking improvement sa kasalukuyan kong basic party.
Habang tinititigan ko ang red packet money na natanggap ko sa mga kamag-anak ko, nagpasya akong ipusta na lahat. 6,480 plus bonus 6,480 Genesis Crystals para sa SGD$148.98 (US$110)? Isa na itong magandang deal. Lunar New Year naman, at lahat ng kakilala ko ay nag good luck na sa akin.
Habang naka-stream sa Discord kasama ang dalawa kong kaibigan, ginawa nila ang dati kong papel bilang manonood (hindi naman ako jinudge) kung paano ako nalulong sa paikot ikot na cycle ng pagasa at kabiguan.
Matapos ang tatlong panig at sa hindi na mabilang kung ilang rolls na ang nagawa ko, nakatanggap ako ng isang surpresa: nakita ko na ang pangalawang pinakainaasam kong husbando.
“OH MY GOD, OH MY GOD, OH MY GOD!” sinigaw ko habang nasa screen ko si Diluc.
Hindi ko na binasa ang detalye ng banner dahil nakatuon pa din ang puso ko kay Zhongli, kaya hindi ko pala alam na may tsiyansa makakuha pa ako ng isa pang five-star character. Sa katunayan, handa na ako maghintay sa kaniyang banner rerun at magipon ng pera para makuha siya kung sakaling ibalik siya ng miHoYo.
Sa sobrang saya ko, ginastos ko na ang natitira kong Primogems, ngunit wala pa ring Zhongli.
Matapos ang isang maikling debate kasama ang mga kaibigan ko, nagpasya kami na dahil si Zhongli talaga ang gusto ko, dapat ko na siyang kunin. Umaasa sa 3,280 Genesis Crystals na may additional na 3,280 bonus, gumastos na ako ng isa pang SGD$68.98 (US$50). Matapos ang isa pang 20 rolls, nagpakita na sa wakas si Zhongli.
Dumating na ang asawa ko. Akin na siya, at maari ko nang titigan ang likod niya nang ilang oras na gusto ko. Kasama sina Diluc at Xingqui, isa na itong magandang party.
Kahit na gumastos ako ng US$160 in total, swerte pa din ako kasi nakatanggap ako ng dalawang five-star characters na gustong gusto ko. Puno na ang aking puso, may kapayapaan na ang aking isip at ubos na rin ang aking pitaka.
Worth.
Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa gaming, esports, at kultura.
Ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na article, I spent US$160 on Genshin Impact in two weeks because of Zhongli.