Inanunsyo sa Genshin Impact Version 2.5 Special Program ang pagdating ni Yae Miko na isang Inazuman character  na may Electro talents. Siya ang pinakahuling adisyon sa 5-star characters sa laro kung saan itatampok ang kaniyang Story Quest na Divina Vulpes Chapter. 

Heto ang lahat ng dapat malaman tungkol sa paparating na Genshin Impact character kasama na din ang mga detalye tungkol ng kaniyang release date, voice actors at mga abilities.


Sino si Yae Miko?

Credit: miHoYo

Si Yae Miko ang pangunahin sa mga shrine maidens sa Grand Narukami Shrine at ang nagmamay-ari ng Yae Publishing House. Una siyang ipinakilala bilang isang non-playable character (NPC) noong Version 2.0 update at nagpalita muli sa Archon Quests Act I: The Immovable God and the Eternal Euthymia at sa Act III: Omnipresence Over Mortals.

Malapit siyang kaibigan ng Raiden Shogun dahil malaki ang naitulong niya sa Traveler sa usapin tungkol sa Electro Archon.


Abilities at Talents ni Yae Miko

Credit: miHoYo

Catalyst user ang priestess na ito na nagpapakawala ng constant damage kapag wala siya sa field, at high burst damage naman kaya nasa field. Heto ang ilan sa mga abilities at talents niya:

NAMETYPEDESCRIPTION
Spiritfox Sin-EaterNormalNormal Attack
Performs up to 3 lightning attacks that deal Electro DMG.

Charged Attack
Consumes a certain amount of Stamina to deal Electro DMG after a short casting time.

Plunging Attack
Gathering the might of Electro, she plunges towards the ground from mid-air, damaging all opponents in her path and deals AoE Electro DMG upon impact with the ground.
Yakan Evocation: Sesshou SakuraElemental SkillMoves swiftly and leaving a Sesshou Sakura behind that can periodically send down lightning, dealing Electro DMG to opponents.
Great Secret Art: Tenko KenshinElemental BurstUnseals nearby Sesshou Sakuras, destroying their outer forms and turning them into Tenko Thunderbolts that decends from the sky, dealing Electro DMG.
Meditations of a YakoUtility PassiveWhen she crafts Character Talent Material she has a set chance to create an extra Talent Material from the same region of a random type. The rarity of this material will be the same materials consumed during crafting.
Enlightened BlessingPassiveHer Elemental Mastery will increase the DMG dealt by the Sesshou Sakura.
The Shrine’s Sacred ShadePassiveWhen she uses her Elemental Burst, each Sesshou Sakura destroyed resets the cooldown for one charge of her Elemental Skill.

Maaaring makita ng mga players ang kaniyang gameplay sa Version 2.5 Special Program.


Voice actors ni Yae Miko

Credit: miHoYo

Binosesan si Yae Miko ni Ratana Therakulsathit, isang voice actress na nakabase sa Los Angeles, California. Bago bigyan ng buhay ang bagong priestess sa Genshin Impact ay nauna na niyang ginampanan ang Fire Emblem Heroes na sila Leonie at Ishtar, si Wave ng Marvel Super War at Chibi Inu Amaterasu ng Smite.

Sa Japanese naman, si Ayane Sakura ang bumoses kay Yae Miko. Pinalayawang Ayaneru ng kaniyang mga fans, maraming anime characters na ang binosesan ng aktres tulad ni Ochaco Uraraka ng My Hero Academia, Nao Tomori ng Charlotte at Haru Onodera ng Nisekoi. Bukod dito, si Ayane Sakura din ang gumanap kay Yae Sakura sa Honkai Impact 3rd na isa pang miHoYo game.

ANGUAGESVOICE ACTORS
EnglishRatana Therakulsathit
ChineseMingya Du
JapaneseAyane Sakura
KoreanMoon Yoo-jeong

Paano makuha si Yae Miko: Release date at banner

Credit: miHoYo

Ialabas sa Phase 1 ng Version 2.5 update si Yae Miko. Tatawaging Everbloom Violet ang kaniyang banner at magiging live ito mula February 16 hanggang March 8.

Kasama sa kaniyang banner ang 4-star characters na sina Fischl, Diona, at Thoma.

Sundan ang ONE Esports Philippines para sa pinakahuling balita tungkol sa Genshin Impact.

BASAHIN: Dadalhin ka ng Shenhe cosplayer na ito sa makatotohanang Dragonspine