Ang Cryo Polearm user na si Shenhe ay isa na sa pinakamainit na character sa Version 2.4 wish banners ng Genshin Impact. Siya ay isang alagad ng adeptus Cloud Retainer at siya rin ang tita ni Chongyun, isa pang Cryo character sa laro. 

Sa kaniyang pagsikat sa mga fan arts, memes, at siyempre, cosplays, nakisali ang Chinese cosplayer na si kisaragiAsh sa uso sa kaniyang pinakabagong photoshoot. 

Mukhang nagmula sa totoong Dragonspine ang Shenhe cosplay na ito

Genshin Impact Shenhe
Credit: miHoYo

Napanigas ng Shenhe cosplay ni kisaragiAsh ang mga Genshin fans, lalong-lalo na sa mga detalye ng kaniyang costume. 

Kuhang-kuha niya ang masikip na bodysuit ni Shenhe para maipagmalaki ang sexy na katawan niya kasabay ang mga signature side holes ng character. 

Genshin Impact Shenhe Cosplay KisaragiAsh Elemental Burst
Credit: 思念雪de不修

Para kumpletuhin ang kaniyang Shenhe cosplay, dinala rin niya ang kaniyang five-star polearm weapon na Calamity Queller. 

Ang mas kahanga-hanga pa dito ay ang dedikasyon ni kisaragiAsh na mag-shoot sa gitna ng mga snow habang suot-suot ang five-inch heels at ang Shenhe costume. 

Iniisip namin kung nakaubos siya ng maraming Goulas bago bisitahin ang mala-Dragonspine na lokasyon. 

Genshin Impact Shenhe Cosplay KisaragiAsh Cryo
Credit: 思念雪de不修

Ayon sa kaniyang Weibo post, sinabi ng Chinese cosplayer na ito na ang mga bundok na niyebe ay naging perpektong backdrop para sa kaniyang Shenhe cosplay photoshoot. 

Ito pa ang mga litrato ng Shenhe cosplay ni kisaragiAsh: 

Maliban kay Shenhe, nakapag-cosplay na rin si kisaragiAsh ng iba pang Genshin Impact characters tulad nina Raiden Shogun at Jean sa kaniyang Sea Breeze Dandelion outfit. 

Tignan ang iba pang cosplays ni kisaragiAsh sa kaniyang Weibo