Nagsanib-puwersa ang Chinese brands na Xiami at HoYoverse para bigyan ang Genshin Impact fans ng isang boom-bastic experience kasabay ng paglabas ng bagong Redmi Klee Airdots 3 Pro.

Tampok sa wireless in-ear earphones na ito ang unique design na nakabase sa isa sa mga pinakakilalang karakter sa Teyvat, ang pyromaniac na si Klee.

Heto ang lahat ng dapat niyong malaman tungkol sa Redmi Klee AirDots 3 Pro, kasama ang presyo at kung saan maaaring makakuha ng Genshin collectible.


Features ng Genshin Impact Redmi Klee AirDots 3 Pro

Credit: Xiaomi, HoYoverse

Pinasigla ang AirDots set ng red color palette nito sa kaniyang case, earphones, charging cable at special special Klee randoseru-style mini bag. Kung titignan maigi ang earphones at case, pareho itong mayroong four-leave clover insignia ni Klee na nakaimprinta sa pale yellow color.

Ang case naman ay may kasamang protective brown leather bag na kaparis ng bagpack ng karakter in-game na maaaring isabit sa isang chain para gawing bag charm, o di kaya naman ay isabit sa isang strap para maging mini messenger bag.

Credit: Xiaomi, HoYoverse

Ngunit ang nagbibigay-pansin sa Redmi Klee AirDots 3 Pro ay ang voice feature nito kung saan ginamit ang boses ni Hualing, ang Chinese voice actor sa likod ng karakter in-game. Isipin mo na lang kung gaano nakakahumaling ang “JA-JANN” sa pagkakataong bubuksan mo ang earbuds mo!

Bukod dito nakaka-aliw rin ang paglabas ng isang animation base sa elemental skill na Klee na Jumpy Dumpty kapag kokonekta ang buds sa isang device.

Kinumpleto ng Redmi Klee AirDots 3 Pro ang experience ng Klee fans dahil nakapaloob ang earbuds sa isang box na dinisenyo base sa 4-star catalyst weapon na Dodoco Tales. Hindi ba’t napakaswabe?


Presyo ng Redmi Klee AirDots 3 Pro at saan makakakuha

Credit: Xiaomi, HoYoverse

Ang limited-edittion na AirDots 3 pro ay nasa US$63 o nasa PhP 3,100, mas mataas ng bahagya sa base model nito na nasa US$55 o humigit-kumulang na PhP 2,750.

Maaari itong mabili sa Xiami Stores sa China o di kaya naman ay sa the official Xiaomi Chinese website. 

Pagsasalin ito sa sulat ni Kristin Tuting ng ONE Esports.

BASAHIN: Paano makuha si Kamisato Ayato sa Genshin Impact: Release date, voice actors