Aminin na natin, masyadong maraming pangalan si Raiden Shogun.
Kung nakumpleto mo na ang mga quests kung saan nandoon siya, alam mo na nagiiba ang pangalan niya sa bawat social group.
Para matulungan ka, ito ang isang kumpletong gabay sa mga pangalan ni Ei Raiden Shogun Baal sa Genshin Impact.
Warning: Spoilers kung hindi mo pa nalaro ang Inazuma Archon at Raiden Shogun story quests.
Kaunting kaalaman tungkol kay Ei Raiden Shogun Baal at sa mga pangalan niya
Si Raiden Shogun, orihinal na pangalan Ei, ay ang kasalukuyang vessel ng Electro Archon at siya rin ang tagapamahala ng Inazuma Shogunate.
Naging lider siya ng bansa matapos pumanaw ang dating Shogun, ang kaniyang kambal na si Makoto sa cataclysm at 500 na taon na ang nakalipas simula nangyari ito.
Ang mga pagkalito sa kaniya ay nasa dalawang pangalan na ito, Ei at Raiden Shogun. Si Ei ang totoong pagkatao niya, habang ang Raiden Shogun ay ang titulo na binigay sa kaniya bilang tagapamahala ng Inazuma. Ito ay tulad sa pagtawag na Raiden Makoto kay Makoto noong siya pa ang naghahari ng lugar. Maririnig mo rin na tawagin siyang Raiden Ei ng mga ibang characters.
Dahil kambal sila, parehas na may Archon names sina Ei at Makoto, at ito ay Beelzebul at Baal. At dahil iisa lamang na Electro Archon ang pwede sa The Seven, naunang umupo sa posisyon si Makoto.
Mas gustong mag-meditate ni Ei sa Plane of Euthymia. Dahil walang magbabantay ng Inazuma sa kaniyang mga mahahabang meditations, bumuo siya ng isang self-aware “puppet” ng kaniyang sarili para gawin ang kaniyang mga Shogun duties.
Ang ano pa ang mas nakakalito? Raiden Shogun rin ang pangalan ng puppet na ‘to.
Ito ang mga maikling paglalarawan ng mga Ei Raden Shogun Baal names:
NAME | DESCRIPTION |
Ei | Ang tunay na pagkatao ng 5-star Electro character |
Beelzebul/Beelzebub | Ang Archon name ni Ei |
Raiden Shogun | Ang titulo na binigay as tagapamahala ng Inazuma, ito rin ang pangalan ng self-aware puppet ni Ei |
Baal | Ang Archon name ni Makoto |
Bakit Baal pa din ang tawag sa kaniya?
Sa mga ibang usapan at data entries, makikita mo pa rin na tinatawag na Baal si Ei (Beelzebul), at ito ang rason kung bakit.
Gumagamit pa rin ng Baal ang mga tao ng Inazuma dahil hindi nila alam na pumanaw na ang orihinal na Electro Archon (Makoto) sa cataclysm.
Para naman sa ibang Archons tulad nina Venti at Zhongli, ginagamit nila ang Baal bilang pagbigay pugay as orihinal na role ni Ei kay Makoto. Noong lider pa ng Inazuma si Makoto, nagsilbing kagemusha o body double si Ei para sa kaniya.
Ngayon na alam niyo na ang lahat ng ‘yan, naniniwala kami na ang best at pinakatamang pangalan na gamitin para sa Electro goddess ay Ei o Raiden Shogun.
Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita, gabay, at highlights tungkol sa Genshin.