Mayroong total na pitong major nations sa Genshin Impact, daan-daang Teleport Waypoints, at daan-daang kilometrong lupa at dagat sa Teyvat para tahakin.
Kaya magandang balita na kahit na ito ay isang single player game, maari ka paring mag-add ng friends at maglaro sa isang co-op mode na magkasama.
Baguhan ka lang ba sa laro? Ito ang paraan kung paano ka mag-add ng ibang players sa Genshin Impact.
Paano mag-add ng friends sa Genshin Impact
Maaring mag-add ng friends ang mga players kapag nakatungtong na sila sa Adventure Rank 2. Ito ang isang step-by-step guide na maari mong sundan:
- Pumunta sa main menu at pindutin ang “Friends”
- Sa pinakatuktok, pumunta sa “Add Friend” tab
- Pindutin ang search bar at ilagay ang UID ng kaibigan mo
- Pindutin ang “Search” button at lalabas ang user profile nila
- Pindutin ang “Add Friend” at hintaying tanggapin nila ang request mo
Kapag na-accept na ng player ang iyong friend request, lalabas ang pangalan nila sa ilalim ng “My Friends” tab. Makikita mo na kung kelan sila huling naging online at maari mo din sila bigyan ng nicknames.
Maari ka ring mag-add ng mga players na nakalaro mo sa “Recently Co-op Players” tab.
Kung hindi gumagana ang “Add Friend”
Ito ang iilan sa mga tuntunin at limitasyon na kailangan mong alalahanin bago ka mag-request sa ibang players:
- Tandaan, maari mo lang I-add ang mga users na nasa parehas na server. Isang maximum na 45 players ang pwede mong I-add sa friends list mo.
- Kapag nakapag-send ka na ng friend request, hindi mo na ito pwede bawiin.
- Maari kang mag-mute, unfriend, o block ng isang player sa pamamitan nang pag-lcik sa kanilang avatar sa friends list mo. Maari mo ring I-personalize ang listahan mo sa pamamagitan ng pag-add ng nicknames sa mga players.
Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa gaming, esports, at kultura.
Ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na article, How to add friends in Genshin Impact.