Paano magpakain ng mga aso at iba pang hayop sa Genshin Impact? Maraming mga kyut na hayop ang gumagala sa Teyvat. Sa Mondstadt, Liyue, o Inazuma pa ‘yan, makakakita at makakakita ang mga travelers ng mga pets na ito na tumatambay sa kanilang mga feeding bowl, naghihintay na mabasbasan ng pagkain.

Habang totoo na hindi mo sila mahahawakan sa Genshin Impact, maari ka pa ring makipag-interact sa kanila sa pamamagitan ng pagbigay mo ng pagkain. 

Paano magpakain ng mga aso at iba pang hayop sa Genshin Impact 

  1. Pumunta sa kanilang mga feeding spot sa kahit saang rehiyon ng Tevat. Kadalasang walang laman ang mga bowls nila. 
  1. Lumapit sa bowl at I-click ang “Feed” option. 
  1. May lalabas na sub-menu kung saan maari kang pumili kung halaman o karne ang ipapakain mo sa kanila. 
  1. Pindutin ang “Submit” at maghintay ng ilang segundo. Lalapit ang isang hayop sa feeding bowl at kakainin ang nilagay mong pagkain. 

Paano magpakain ng mga aso sa Liyue 

Genshin Impact paano magpakain ng mga aso
Screenshot ni Kristine Tuting/ONE Esports

May spot malapit sa Liyue Harbor gate na hinahayaan kang magbigay ng snacks sa isang brown na aso. Lumapit lang sa bowl sa tapat ng latern, maglagay ng kaunting pagakain, at hintaying kainin ito ng aso. 

Paano magpakain ng soro sa Dragonspine 

Genshin Impact paano magpakain ng soro
Screenshot ni Kristine Tuting/ONE Esports

Mag-teleport sa malalamig na bulubundukin ng Dragonspine at makakapag-interact ka doon sa mga iilang soro. 

Kasama ang activity na ito sa “Lost in the Snow World” quest, kung saan uutsuan kang pagkainin ang mga soro ng berries araw-araw sa loob ng lima o anim na araw. Kapag nakumpleto mo na ang quest, maglalaho ang bowl at mga soro at papalitan ito ng isang kaban na may Crimson Agate. 

Paano magpakain ng pusa sa Inazuma 

Genshin Impact paano magpakain ng pusa
Screenshot ni Kristine Tuting/ONE Esports

Kailangan mong maglakbay sa Asase Shrine sa Inazuma na nasa Seirai Islang para makakita ng mga pusa. 

Pagkatapos mo kumpletuhin ang mga World Quests, may lalabas na mga bowls sa mapa, kung saan pwede ka magbigay ng isang Invigorating Kitty Meal dish. Makukuha ang recipe na ito pag natapos mo na ang Neko Is a Cat: Shrine Recipe ng World Quest series “Neko Is a Cat.” 

Paano ma-unlock ang hidden achievement “A Cat’s Gift” 

Genshin Impact A Cats Gift Achievement
Screenshot ni Kristine Tuting/ONE Esports

May isa pang cat-feeding spot sa Seirai Islang, sa may Fort Hiraumi. 

Bisitahin ang lokasyon at makakita ka ng malaking bato na may apat na bato sa paligid na may anyong paa ng pusa. Lumapit sa pusa na nasa isa sa mga bato at pakainin ito ng Kitty Meal. 

Sa mga susunod na araw, iba pang mga pusa ang makikita mo na nakatambay sa mga bato. Uutusan kang pakainin sila sa loob ng apat na magkasunod na araw. Pag nagawa mo ito, ma-u-unlock mo ang hidden achievment “A Cat’s Gift” na may kasamang precious chest. 

Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita, gabay, at highlights tungkol sa Genshin.