Mora at Hero’s Wits? Hindi, mas importante ang Resin sa Genshin Impact

Kailangan mo ang mahalagang resource na ito para maka-collect ng rewards sa domains, world bosses, at ley lines, ngunit nakakapagod ito dahil sa kaniyang mabilis na replenishment system. Kahit na ang limit nito ay 160, maaring mag-replenish ang sistema nito sa 180 Resin bawat araw. 

Kung ayaw mo makamit ang limit araw-araw, ito ang isang paraan para ma-deplete ang Resin mo at maitabi mo para magamit sa kinabukasan. 

Ito ang isang quick guide kung paano gumawa ng Condensed Resin sa Genshin Impact, kasama ang mga detalye kung saan mahahanap ang instructions nito at paano ito I-craft. 

Paano ma-unlock ang Condensed Resin Instructions sa Genshin Impact 

Maaring makuha ng mga players ang Instructions for Condensed Resin sa pamamagitan ng pag-kamit sa level 3 ng Liyue reputation system. 

Alalahanin na ang reputation system ay available lamang kapag umabot ka na sa Adventure Rank 25 at nakumpleto mo na ang Mondstadt Prologue Act I at Liyue Chapter I Act II. 

Para ma-level up ang iyong reputation sa Liyue, dapat kang gumawa ng iba’t-ibang tasks na binigay ng Ministry of Civil Affairs, na minarka ng isang bulaklak na triangulo sa iyong world map. Kasama dito ang mga requests, bounties, world exploration, at Liyue quests. 

Ang pinakamabilis na paraan para magawa ito ay sa pamamagitan ng tatlong requests kada linggo na may halagang 40 reputation, at tatlong bounties kada linggo na may halagang 100 reputation sa pinakamataas na tier. Sa dalawang tasks lang na iyon, makakaipon ka ng total na 420 reputation sa isang linggo. 

Lahat ng tatlong requests na ito ay maaring matanggap mo sa isang transaksiyon, at tinuturi ito bilang world quests sa iyong quest directory. Kapag nakumpleto mo na ang isang request, automatic kang makaka-collect ng reputation award. 

Para naman sa mga bounties, mas kumplikado ang pagkuha ng reputation. Maaring gawin ang bounties paisa-isa lamang at may kakaiba silang katangian, dahil hindi na masasaktan ang mga bosses sa mga ibang elemento. Kung sakaling hindi mo naalala ang mga detalye pagkatapos mo ma-accept ito, maari mo lang pindutin ang “Bounty In Progress” tab sa tuktok ng kaliwang parte ng world map mo. 

Matapos mo talunin ang iyong target, dapat mong I-report ang Bounty kay Ms. Yu sa Ministry of Civil Affairs para makuha ang iyong reward. 

Kapag umabot ka na sa level 3 na may 820 reputation, maari mong buksan ang babang parte sa kaliwa ng chest mo sa reputation menu at kunin ang Instructions. 

Paano gumawa ng Condensed Resin sa Crafting Bench ng Alchemist 

Madali lang gawin ang Condensed Resin, at iilang sangkap lang ang kailangan para dito. 

Dapat mo munang gamitin ang Instructions sa iyong Precious Items tab sa inventory para ma-unlock ang mga specific na crafting ability. 

Pagkatapos ay pumunta ka sa kahit anong Crafting Bench ng Alchemist at gumawa ng Condensed Resin na makikita sa ilalim ng Gadgets tab. 

Ito ang mga sangkap para sa isang unit (maari kang magdala ng maximum na lima): 

  • 1 Crystal Core 
  • 40 Original Resin 
  • 100 Mora 

Kung nakulangan ka ng Crystal Cores, pwede kang mag-farm ng Anemo Crystal Flies sa Statue of the Seven na nasa timog-silangan ng Mondstadt o Dawn Winery. 

Paano gumagana ang Condensed Resin 

Genshin Impact Condensed Resin Leyline Rewards
Screenshot ni Joseph Asuncion/ONE Esports

Pinapalitan ng Condensed Resin ang iyong Original Resin para maging isang consumable item para sa mga farming sessions mo. Kapag ginamit ito, madodoble ang rewards na ibibigay sa’yo sa isang ley line blossom o material domain run. 

Kapag nasa inventory mo ang item na ito, mabibigyan ka ng pakakataon magamit ang Original Resin o Condensed Resin ng reward window. 

Kailangan mong alalahanin na hindi pwedeng gamitin ang Condensed Resin sa mga trounce domains tulad ni Raiden Shogun o mga world bosses tulad ni Oceanid. 

Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita, gabay, at highlights tungkol sa Genshin Impact. 

Ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na article, How to make Condensed Resin in Genshin Impact.