Tunog cliché man ito, ngunit the more the merrier talaga, at totoo talaga ito sa mundo ng Teyvat.
Ang open world role-playing game na Genshin Impact ng miHoYo ay isang nakakatuwang laro hindi lang para sa mga solo players ngunit para na din sa mga grupo ng magkakaibigan. Dahil sa co-op mode, maari ka makipag-team up para talunin ang weekly bosses, mag-grind nang magkakasama para sa pinaka-rare at pinakamagandang artifacts, at nagkakaroon ka pa ng mga fun memories sa loob ng Serenitea Pot realm mo.
Ito ang paraan para ma-unlock at makapaglaro kasama ang iyong mga kaibigan sa Genshin Impact:
Paano ma-unlock ang Genshin Impact co-op mode
Para ma-unlock ang feature na ito, kailangan makamit ng mga players ang Adventure Rank 16. Kapag na-unlock mo na ito, maari ka nang bumuo ng maximum party na may apat na players para makapag-clear ng mga domains, tumalo ng monsters at bosses, siyasatin ang Teyvat, at tapusin ang mga event quests nang magkakasama.
Paano laruin ang Genshin kasama ang mga kaibigan mo
Ito ang paraan para makapaglaro ka kasama ang mga kaibigan mo gamit ang co-op mode:
- Pumunta sa Friends list mo.
- Pumili ng player na gusto mong kalaruin.
- I-click ang “Request to Join” na button.
- Isang “Pending Approval” na mensahe ang lalabas sa tabi ng pangalan nila. Hintayin mong I-accept nila ang imbitasyon mo. Pagkatapos ay mapupunta ka sa kanilang mundo kapag inapprove nila ang iyong request.
Paano kalaruin ang ibang travelers sa ibang domains
Kung wala sa mga kaibigan mo ang online, pwede ka naman makipaglaro kasama ang mga random travelers. Ito ang isa step-by-step guide kung paano makipaglaro sa isang random team sa Domains:
- Pumili ng domain na gusto mong I-clear at pindutin ang teleport button.
- Maglagay ng Domain at I-click ang “Match” option. Mapupunta ka sa queue kasama ang ibang players.
- Isang “Matching Successful” na mensahe ang lalabas matapos ang ilang segundo. I-click ang “Confirm” para masimulan ang pakikipaglaro sa mga bago mong kaibigan.
Hindi makapasok sa Genshin Impact co-op mode? Ito ang ilang mga tuntunin na dapat aalalahanin
Kung nahihirapan ka buksan ang feature na ito, ito ang iilan sa mga tuntunin na dapat mong alalahanin:
- Maari lamang sumali sa ibang world ng ibang players na may mas mababang World Level at AR range o di kaya’t parehas na leben sa sarili. Halimbawa, ang mga players na mas mababa sa World Level 0, AR 16 ay maaring makipaglaro sa mga players na nasa AR17. Ngunit hindi sila pwede magsama sa isang party sa mga players na nasa World Level 1, AR 20 at pataas.
- Ang isang pinagpapatuloy na Archon Quest o Story Quest ay maaring maging hadlang para makapasok ka sa ibang worlds o makatangap ng imbitasyon nila. Tapusin mo muna ang mga quests mo para magkaroon ka ng smooth gameplay kasama ang mga kaibigan mo.
- Nakadepende ang enemy base HP at base ATK scales sa numero ng players sa iisang party:
PLAYERS | ENEMY BASE HP | ENEMY BASE ATK |
1 | 100% | 100% |
2 | 150% | 110% |
3 | 200% | 125% |
4 | 250% | 140% |
Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita, gabay, at highlights tungkol sa Genshin Impact.
Ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na article, How to unlock co-op mode in Genshin Impact.