Isulat na ang mga ‘to, travelers!
Habang mahilig ipagyabang ng mga Genshin Impact players ang kanilang dedication sa pamamagitan ng kanilang mga tagumpay tulad ng exploration percentage at Adventure Rank, ang pinaka inaasam na tagumpay ng laro ay ang Triple Crown.
Ang Triple Crown sa Genshin Impact ay isang statement na nakakamit lamang ng mga may gusto maging totoong royalty sa Teyvat. Isa itong finishing touch sa mga best characters mo, ngunit bakit?
Ito ang lahat ng mga kailangan mong malaman tungkol sa Triple Crown sa Genshin Impact, kasama na ang kaniyang kahulugan, presyo, at saan pwedeng makuha ang Crowns of Insight.
Ano ang Triple Crown sa Genshin Impact?
Ang Triple Crown ay isang term na ginagamit ng Genshin community kapag nakamit ng ng character mo ang level 10 sa lahat ng kaniyang upgradable talents tulad ng auto-attack, elemental skill, at elemental burst.
Ang pinagmulan ng term ay galing sa item na Crown of Insight, na kung saan kailangan mong makarating sa level 10 sa iyong talent. Sa tatlong talents na kailangan I-level up, kailangan mo rin ng tatlong Crowns of Insight, kaya ang tawag dito ay ang Triple Crown sa Genshin Impact.
Mayroong ibang constellations na nag-le-level up ng isang talento ng character patungong level 10. Ngunit hindi ito itinuturing na crowned talent dahil walang crown na nagamit.
Sa mga kaso kung saan niregalo ang talents ng tatlong extra levels, maari pa ring mabigyan ng crown ang talent kapag minax niya ito sa level 13.
Halaga ng isang Triple Crown sa Genshin Impact
Ang pagkamit ng Triple Crowning ay hindi madali. Ang max talent level ay naka-lock sa likod ng anim na character ascensions, at dahil diyan, kailangan mong mag-grind nang doble-doble para sa mga materyales.
Isang rare item ang Crown of Insight sa Genshin Impact at makukuha ito sa pagkumpleto ng mga major in-game events. Mayroon lamang anim na makukuhang Crowns sa Genshin Impact para may maganda kang simula para sa dalawang potensyal na Triple Crowns.
Maliban sa Crown, isa ring investment ang talent leveling. Kailangan mong magipon ng top-tier character materials at iilang milyon ng Mora. Oo, milyones ito.
Gastos ng isang Crown
Ito ang magiging halaga ng pag-level ng isang talent mula sa 1 patungong 10:
GENSHIN IMPACT MATERIAL | QUANTITY |
2-star talent material | 3 |
3-star talent material | 21 |
4-star talent material | 38 |
1-star common ascension material | 6 |
2-star common ascension material | 22 |
3-star common ascension material | 31 |
Boss-related item | 6 |
Crown of Insight | 1 |
Mora | 1,652,500 |
Gastos ng Triple Crown
Ito ang magiging halaga ng isang Triple Crown:
GENSHIN IMPACT MATERIAL | QUANTITY |
2-star talent material | 9 |
3-star talent material | 63 |
4-star talent material | 114 |
1-star common ascension material | 18 |
2-star common ascension material | 66 |
3-star common ascension material | 93 |
Boss-related item | 18 |
Crown of Insight | 3 |
Mora | 4,957,500 |
Dahil sa napakaraming materyales at Mora na kailangan para makamit ang Triple Crown sa Genshin Impact, mas gusto pang hindi ito gawin ng ibang mga players. Sabi ng Reddit user na si Zepheredx, ang tagumpay na ito ay isang “flex move” ngunit isa itong aksaya ng kayamanan kung hindi naman kailangan ng mas mataas na talent levels ng character.
Saan maaring kumuha ng Crowns of Insight ngayon
Maari mong simulan ang iyong unang Triple Crown sa pagkuha ng regal headpiece mula sa dalawang lugar. Mayroong anim na Crown of Insight na permanenteng makukuha sa pamamagitan ng Offerings:
OFFERING NAME | NUMBER OF UNLOCKABLE CROWNS | TASK | LOCATION |
Frostbearing Tree | 1 | Mag-upgrade ng Gratitude ng Frostbearing Tree patungong level 11 | Dragonspine, timog ng Mondstadt |
Sacred Sakura | 5 | Mag-upgrade ng Favor ng Sacred Sacura patungong level 5, 15, 25, 35, at 45 | Grand Narukami Shrine sa Inazuma |
Habang maaring malaro ang online RPG nang wala ang kakaibang tagumpay na ito, isa pa ring perfect endgame ang Triple Crown sa Genshin Imapct para sa mga players na gustong ilabas ang best mula sa mga paborito nilang characters.
Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita, gabay, at highlights tungkol sa Genshin.