Ang Genshin Impact voice actor na si Lily “LilyPichu” Ki ang English voice sa likod ng maliit na ninja na si Sayu. 

Nag-audition ang Twitch streamer para sa parte sa ilalim ng Atlas Talent Agency at nakuha niya ang role na ‘to. Kilala siya sa kaniyang natural na high-pitched na boses na perpekto para sa mga petite at cute persona tulad ng claymore user ng laro na si Sayu. 

Maliban sa Genshin Impact, naging voice actor rin si Lily para sa ibang mga laro at serye tulad ng Belle, Cookie Run: Kingdom bilang Onion Cookie, at Don’t Toy with Me, Miss Nagatoro bilang Yoshi. 

Ang kaniyang pinakamalaking proyekto sa voicing ay si Sayu ng Genshin, ang 4-star Anemo character mula sa Inazuma rehiyon, isang antuking ninja na mahusay sa art ng camouflage. 

Iilang fans na ang humihiling na mag-cosplay ang OfflineTV streamer ng kaniyang 4-sar character na binoses niya sa laro. 

At sa wakas, tinupad rin ni LilyPichu ang mga hiling ng fandom sa kaniyang napaka-cute na Sayu cosplay. 

Detalyado ang costume na suot ni LilyPichu para sa kaniyang Sayu cosplay 

Genshin Impact LilyPichu Sayu cosplay
Credit: Lily Ki

Tinukso ni LilyPichu ang mga fans sa kaniyang Genshin Impact cosplay gamit ang default ninja costume ng character. Nagsuot siya ng isang platinum blonde, maikling hime-cut wig na pinatungan ng kaniyang malaking tanuki-inspired hoodie. 

Makikita ang isang maliit na Anemo slime plushie sa likod niya para maging angkop sa elemento ni Sayu. 

Mayroon din siyang isang stuffed toy ng Mujina camouflage disguise ni Sayu, na lumabas sa idle animation ng kaniyang character. 

“Kinda embarrassing, not gonna lie,” inamin ni Lily sa photo caption ng kaniyang cosplay. 

Genshin Impact Sayu
Credit: miHoYo

Tulad ng kaniyang Yun Jin cosplay, tinakpan talaga niya ang kaniyang mukha sa mga mirror selfie niya, at maaring ibig sabihin nito ay hindi pa siya tapos sa make-up ng character niya at isa pa lamang itong cosplay trial sa ngayon.