Nagtapos na ang Electronic Sports and Gaming Summit (ESGS) noong Oktubre 28 hanggang 30 sa SMX Convention Center sa Pasay City. Ngunit hindi pa rin kami maka-get over sa aming naranasan sa ultimate gaming convention na ‘to! 

Balikan natin ang mga nakaka-enjoy na activities na isinagawa sa ESGS. At isa sa pinaka-inaabangan ng mga dumalo ang walang iba kundi ang Genshin Impact booth! Balikan natin ang mga naging masayang moments natin sa kanilang booth.  

Trivia time ang peg sa Genshin Impact Booth noong ESGS 2022 

Genshin Impact ESGS 2022

Traveler Challenges 

Para sa aktibidad na ito, kailangan mong tapusin ang isang challenge bago mo maumpisahan ang susunod. May total na tatlong challenges. 

1st Challenge: Batiin si Katheryne kung paano ka niya binabati in-game (“Ad Astra Abyssosque!”) 2nd Challenge: Genshin Trivia 

Naka-depende ang mga tanong na ito kung gaano ka na katagal naglalaro ng Genshin Impact. Para sa akin, ang naging tanong ko ay “Name all seven elements in Teyvat”. Ang sagot: Anemo, Geo, Dendro, Hydro, at Cryo.  

3rd Challenge: Kumuha ng litrato nang may “waypoint” at I-post sa SNS nang may caption, “If I can teleport, I want to go to (blank)” at dapat may hashtags ito na #GenshinTeleport #GenshinImpact 

Genshin Impact ESGS 2022

Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa Genshin Impact.