Malayo na ang narating mo, Traveler – nakakumpleto ka na ng mga quests, nakatalo ng mga bosses, at mas maalam ka na sa mundo ng Teyvat. Para ipagpatuloy ang iyong pagtahak sa Genshin Impact, kailangan mong malagpasan ang una mong Ascension Quest.
Di tulad ng karamihang role-playing games, kailangan sumailalim ang mga players ng Genshin Impact sa isang combat trial para makapag-level up sa kanilang mga Adventure Ranks. Ang mga players na hindi babasahin ang mga dialogues ay maaring malito kung ano ang kanilang gagawin.
Kung na-stuck ka sa AR 25, ito ang mga dapat mong gawin.
Pag-level up ng iyong Genshin Impact AR 25
Para maiwasan na ma-stuck sa Genshin Impact AR 25, kailangan mong I-clear ang Ascension Quest 1. Ito ang isang step-by-step guide kung ano ang dapat mong gawin kapag na-stuck ka sa Adventure Rank 25
- Kapag nakatungtong ka na sa Adventure Rank 25, pumunta sa iyong Quests tab at pindutin ang “Adventure Rank Ascnesion 1” quest. Tatanungin ka ng quest na mag-teleport sa Midsummer Courtyard sa Mondstadt.
- Pasukin ang ruins.
- Talunin ang lahat ng kalaban.
- Kapag aalis ka na sa domain, automatic na mag-uupgrade na ang iyong world sa World Level 2.
- Bisitahin ang pinakamalapit na Adventurers’ Guild para makuha ang iyong Adventure Rank Ascension 1 rewards.
Tips at tricks kung paano ma-clear ang Genshin Impact Ascension Quest 1
Sundan ang mga tips at tricks na ito kung nahihirapan ka mag-clear ng Ascension Quest:
- Ang nirerekomendang party level para ma-clear ang Ascension Quest 1 ay Level 35. Isang magandang mix ng Pyro, Cryo, Anemo, at Hydro characters ay importante para matalo ang mga kalaban sa domain.
- Dahil naka-disable ang co-op sa mga Ascension Quests, hindi ka pwedeng humingi ng tulong sa iba, at kailangan mong dumepende sa mga food buffs mo. Magluto ng maraming pagkain bago sumabak dito para ma-boost ang attack at defense stats mo. Maari ka ring magdala ng mga potions kung wala kang character sa party mo na may heal.
- Ang pagdala ng character na may shields ay importante.
- I-upgrade ang mga artifacts, weapons, at talents mo bago ka pumasok sa domain.
Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa gaming, esports, at kultura.
Ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na article, Are you stuck at AR 25 in Genshin Impact? Here’s what you should do.