Oras na para magipon ng Hero’s Wits!
Bilang isang longtime Genshin Impact player, lagi kong ginagawa ang nakakapagod na proseso ng pag-farm ng experience materials, at hindi rin nakakatulong na magpapamigay ang Lantern Rite event ng isang libreng 4-star character.
Ngunit paano kung sinabi ko sayo na hindi gaanong nakakatulong ang max leveling?
Ibinunyag ng streamer na si Michael “Mtashed” Tash ang iilang tricks tungko lsa character leveling na maaring makatulong sayo sa future team compositions at banner releases.
Ipinaliwanag ng streamer na si Mtashed ang level 89 trick sa Genshin Impact
Sa isang short clip sa kaniyang stream, binanggit ni Mtashed na hindi niya inuupgrade ang mga characters niya sa max level na 90. Ginagawa niya ang trick na ito dahil ang final jump mula sa 89 patungong 90 ay maguurong ng 28 Hero’s Wits para sa’yo, ang pinakamataas na tier ng experience materials.
Sa pagtingin sa math, kinompute ng streamer na makakaipon ka ng sapat na Hero’s Wits, 112 para maging eksakto sa isang full party na level 89 characters, para magdala ng isa pang level 80 character sa kaniyang 85+ range.
Binanggit din niya na ang last level ay walang saysay sa attack-based DPS characters tulad ni Diluc, dahil nagbibigay lamang ito ng apat pang attack points.
Aling characters ang maari mong I-max out sa 90?
Siyempre, mayroong mga pagbubukod sa rule na ito. Sinabi ni Mtashed na ang Anemo characters ay worth it na I-max sa 90 dahil sa kanilang Swirl damage scales.
Sinabi rin ng mga users sa comment section na ang HP at defense-based characters tulad ni Zhongli at Noelle ay makakatanggap pa rin ng pagtaas sa 90, kaya hindi na masakit paggastusan ng mga materials para sa kanila.
Maari mong panoorin ang full explanation ni Mtashed sa kaniyang level 89 trick dito:
Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita, gabay, at highlights tungkol sa Genshin Impact.
Ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na article, Mtashed reveals helpful level 89 trick in Genshin Impact.