Ang mga Genshin Impact ritual ang isa sa mga pinakamagandang paraan para ma-hype up lalo ang gacha experience para sa buong community–at syempre ginagawa rin ito ng isa pinakasikat na content creator ng naturang laro na si Michael “Mtashed” Tash.

Mula sa pagpunta sa mga landmark location sa Teyvat hanggang sa pagkonsumo ng mga partikular na pagkain sa totoong buhay, ang mga ritwal na ito ang nagbibigay ng pag-asa sa mga player kapag nagwi-wish sila na makuha ang bagong character.

At sa pagpasok ni Kamisato Ayato bilang pinakabagong Hydro DPS sa laro, napagpasyahan ni Mtashed na gumawa ng isang interesanteng ritwal para makuha ang swerte mula sa gacha gods at ito ay ang paggamit sa kanyang mismong anak na si Benjamin.


Sinama ni Mtashed ang kanyang anak sa pinakabagong Genshin Impact ritual niya

Mtashed at kanyang anak na si Ben
Screenshot ni Joseph Asuncion/ONE Esports

Simple lang trabaho ni Ben. Tinaguriang “handsome gamer” ng kanyang tatay, nag-contribute si Ben sa pamamagitan ng pag-click ng x1 at x10 variants sa wishing menu.

“I want to see if you’ve got the free-to-play god luck, so you can click pretty much whatever you want,” wika ng gaming dad.

Bagamat medyo malas ang unang mga wish sa paglabas ng Sucrose at The Flute sword, sa huli ay na-redeem ni Ben ang kanyang sarili matapos makakuha ng constellation para kay Xiangling at isang R5 refinement para sa The Stringless, isang solidong armas para sa Venti ni Mtashed.

Papalapit na sa pity range na 75-90, napagdesisyunan ng father-son duo na gumawa ng ten-pull para makuha si Kamisato Ayato. At ayun na nga, bumaba ang ten-pull na may kasamang golden shard.

Ngunit bilang isang beterano ng gacha game, kinalma ni Mtashed ang kanyang sarili dahil alam niya na kahit ang golden pull ay may 50% chance pa rin ibang 5-star character ito.

Inutusan niya ang kanyang anak na i-reveal nang isa-isa ang bawat wish at sa huli ay nakuha nila ang makinang na Inazuman politician.

Sinubukan pa ni Mtashed ang hangganan ng gacha luck ng kanyang anak kaya naman sinabihan niya ito na mag-ten-pull ulit sabay nakuha naman nila ang 4-star character na si Yun Jin. Sa loob lang ng ilang segundo, lumabas ang character sa unang wish ng sumunod na ten-pull.

Bilang pagtatapos sa wholesome gaming session ng mag-ama, hinimok ng viewers sina Mtashed at Ben na magyakapan. At nakakatawa namang umiwas nang mabagal si Ben hanggang sa hindi na siya makita sa screen.

Maaari niyong mapanood ang kabuuan ng father-son bonding experience na ito sa video sa ibaba:

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa Genshin Impact news, guides at highlights.


Hango ito sa artikulo ni Joseph “Jagwar” Asuncion ng ONE Esports.