Magdiwang, mga non-Mona at Ayaka mains! 

Sinalubong ng Genshin Impact ang pagbabalik ng Windtrace mini-event para sa Spring season, ngunit hindi na ito tulad ng dati. 

Makakapaglaro ang mga travelers ng usual na hybrid ng childhood games tulad ng tagu-taguan, ngunit ngayon, wala ng advantge sina Mona at Ayaka kapag nagtatago sila. 

Bakit overpowered ang alternate sprints nina Mona at Ayaka 

Sa dating event na ito, laging pinipili ang dalawang characters na ito para sa mga nagtatago, o Rebels in-game, dahil sa kanilang kakaibang alternate sprints. 

Napupunta sa underground ang character dahil dito nang hindi nauubos ang kaniyang stamina at nagiiwan lamang ng bakas ng tubig o yelo. 

Maliban sa pagtago sa seeker, o mga Hunter in-game, mayroon ding malaking speed advantage sina Mona at Ayaka kapag gumagalaw, at dahil diyan, imposible silang habulin. 

Na-nerf ng Genshin Impact ang duo na ito para sa Windtrace rerun event 

Genshin Impact Windtrace Mona Ayaka nerf
Credit: miHoYo

Para mapantay ang laro ngayong taon, dinisable ng developer na miHoYo ang alternate sprints nina Mona at Ayaka para sa kasalukuyang rerun. 

Habang ito ay isang panalo para sa mga Hunters ng Teyvat, mayroon pa ring iba pang skills ang mga Revels na makakatulong sa kanila. 

Tulad ng PropHun game na Garry’d Mod, maaring mag-ibang anyo ang mga Rebels bilang mga gamit sa lugar at maging invisible nang saglit gamit ang Transparency skill. 

KJung gusto mo pang malaman kung ano ang Windtrace event rerun at paano laruin ang mini-game na it, maari mong tignan ang opsiyal na blog post ng Genshin Impact dito

Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita, gabay, at highlights tungkol sa Genshin Impact.