Hindi lang pagbabasag ng Ancient ng kalaban ang pinagkakaabalahan ng beteranong Dota 2 player at kasalukuyang carry ng Team SMG na si Yeik “MidOne” Nai Zhen — tambay din siya sa malawak na mundo ng Yeyvat sa Genshin Impact.
Kilala ang Malaysian pro player sa Dota 2 community bilang isa sa pinakamahusay na Invoker player, gaya nina Amer “Miracle-” Al-Barkawi ng Nigma Galaxy, Abed Azel Yusop ng Evil Geniuses, at TI10 champion na si Alexander “Torontotokyo” Khertek ng Team Spirit.
Base sa listahan ng kanyang mga napagtagumpayan, si MidOne ang unang manlalaro na naka-abot sa 8,000 MMR. Nakapag-uwi rin siya ng tatlong Dota 2 Major championship titles sa The Chongqing Major, MDL Disneyland Major, at DreamLeague Season 8 kasama ang Team Secret.
Bukod sa Dota, naglalaro rin siya ng Call of Duty: Warzone, at kamakailan lang, pati Genshin Impact.
MidOne, palihim na nag-whale para sa Genshin waifu na si Kamisato Ayaka
Nag-post ng isang screenshot ng kanyang Genshin account ang dating OG player na nagpapakita ng lahat ng character na meron siya sa laro. Trip na trip niya ang 5-star character at Cryo sword user na si Kamisato Ayaka, at na-unlock na niya ang lahat ng constellations nito.
Ang constellations ay mga upgrade para ma-improve ang talents ng isang character. Lahat ng Genshin character na makukuha ng manlalaro ay magsisimula sa constellation 0.
Maaaring ma-unlock ang bawat constellation ‘pag nakakuha ang manlalaro ng isa pang kopya ng parehong karakter, na kailangan i-roll, nang hanggang anim.
Kamisato Ayaka constellation
PANGALAN NG CONSTELLATION | EPEKTO |
1. Snowswept Sakura | Kapag nag-deal ng Cryo DMG sa kalaban ang Normal o Charged Attacks ni Kamisato Ayaka, magkakaroon ito ng 50% tsansa na mabawasan ang CD ng Kamisato Art: Hyouka ng 0.3 segundo. Maaari itong tumalab ng isang beses sa loob ng 0.1s. |
2. Blizzard Blade Seki no To | ‘Pag nag-cast ng Kamisato Art: Soumetsu, mag-unleash ng dalawang mas maliit Frostflake Seki no To, na kayang mag-deal ng 20% DMG ng orihinal na storm. |
3. Frostbloom Kamifubuki | Pataasin ang Level ng Kamisato Art: Soumetsu ng tatlo. Level 15 ang maximum upgrade. |
4. Ebb and Flow | Ang mga kalabang mada-damage ng Frostflake Seki no To ng Kamisato Art: Soumetsu ay mababawasan ang DEF ng 30% ng anim na segundo. |
5. Bloom Cloud Irutsuki | Pataasin ang Level ng Kamisato: Art: Hyouka ng tatlo. Level 15 ang maximum upgrade. |
6. Dance of Suigetsu | Magkakaroon ng Usurahi Butou si Kamisato Ayaka kada 10 segundo, habang pinapataas ang Charged attack DMG nito ng 298%. Ang buff na ‘to ay maki-clear sa loob ng 0.5 segundo pagkatama ng Charged ATK ni Ayaka sa kalaban. Magre-reset ang timer ng ability pagkatapos nito. |
Gaya ng Filipino actor at kapwa Genshin whale na si Alden Richards at kanyang C6 Ayato, may tsansa na US$3,000, o higit ₱158,000, ang ginastos ni MidOne para makuha ang C6 Ayako sa worst-case scenario.
‘Di kasama sa estimated computation na ‘to ang libreng Primogems na pwedeng makuha mula sa quests, Masterless Starglitters na pwedeng i-convert sa Intertwined Fates, at extra Genesis Crystals na kasama sa kada top-up.
Hindi pa ibinabahagi ni MidOne kung magkano na nga ba ang nagastos niya sa laro, bagamat malinaw na bias niya si Ayaka.
Bukod kay Ayaka, may dalawa pa siyang 5-star characters, sina Diluc at Mona, at maraming 4-star characters sa kanyang party, gaya nina Sayu, Sucrose, Xingqiu, Rosaria, Bennett, at Xiangling. Level 40 sa world level 5 na ngayon ang ccount ni MidOne.
‘Di naman mapigilan ng dating teammate ni MidOne na si Martin “Saksa” Sazdov na mamangha sa pag-tweet ng manlalaro, imbes na sa C6 Kamisato Ayaka.
“you gotta play it, Martin,” panghihikayat ni MidOne. “Get you waifu going.”
Bukod kay MidOne, naglalaro rin ng Genshin Impact si Henrik “Admiral Bulldog” Ahnberg ng Alliance.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: Pre-game ritual ng Team SMG: Ito ang laman ng prayers ng koponan bago sumabak sa kanilang matches