Kasunod ng extension ng banner ni Kamisato Ayaka sa V2.6, ipapadala ng Genshin Impact V2.7 ang mga travelers sa isang umaatikabong adventure na may kasamang mga bagong characters, events, at rewards.
Sa pinakahuling patch ay muling tututukan ang Liyue na magpapakialla kay Yelan, ang bagiong 5-star bow user. Bagama’t binanggit ng mga locals na siya ay may pagkamisteryosa, ipinapakita sa trailer ni Yelan na isa siyang vigilante ng Liyue, na pumapasok sa iba’t ibang sindikato upang mangalap ng impormasyon na kanyang ipinapadala sa Ministry of Civil Affairs.
Kung sakaling makuha mo si Yelan sa kanyang character banner, ang susunod mong dapat gawin ay pataasin ang kanyang level at maghanap ng magandang bow para sa kanya, na mahirap para sa mga free-to-play users. Upang tullungan ang mga bagong Yelan mains, ipinapakilala ng HoYoverse ang isang bagong event kung saan maaaring makuha ng mga players ang 4-star bow weapon na Fading Twilight nang libre.
Paano makuha ang Fading Twilight weapon sa Genshin Impact
Ang 4-star bow weapon na ito ay isang eksklusibong reward na ibinibigay sa “Perilous Trail” event.
Kailangan ng mga players na kumpletuhin ang mga challenges sa “Realms of Guile and War” upang makuha ang event-exclusive na free weapon at mga refinement materials nito.
Eligibility at requirements para sa Perilous Trail event
Para makasali sa V2.7 event na “Perilous Trail”, kinakailangang magawa ang mga sumusunod:
- Makaabot ng Adventure Rank 30 o higit pa
- Kumpletuhin ang Archon Quest “Chapter I: Act III – A New Star Approaches”
- Kumpletuhin ang World Quest “Wherefore Did the Spiritstone Descend?”
Maaaring makapasok sa event gamit ang “Quick Start” sa in-game event page.
Kung nais mong mas mapaganda ang event experience, nirerekumenda ng HoYoverse na kumpletuhin ang mga karagdagang quests sa ibaba:
- Story Quest ni Arataki Itto “Taurus Iracundus Chapter: Act I”
- Story Quest ni Raiden Shogun “Imperatrix Umbrosa Chapter: Act II”
- World Quest “A Teapot to Call Home: Part I”
Ang “Perilous Trail” event ay magiging available hanggang June 20, habang ang event shop naman nito ay mananatiling bukas hanggang June 27.
Maliban sa Fading Twilight, makakakuha din ang mga players ng ibang mahahalagang items, tulad ng refinement material ng bow weapon, primogems, at iba pang ascension materials.
Maaaring i-check ang kumpletong detalye sa official event page.
Ascension materials ng Fading Twilight
Narito ang lahat nang materials na kailangan para mag-ascend ang 4-star weapon na ito:
ASCENSION PHASE | MATERIALS NA KAILANGAN |
0 → 1 | – 5,000 Mora – 3 Grain of Aerosiderite – 3 Hunter’s Sacrificial Knife – 2 Divining Scroll |
1 → 2 | – 15,000 Mora – 3 Piece of Aerosiderite – 12 Hunter’s Sacrificial Knife – 8 Divining Scroll |
2 → 3 | – 20,000 Mora – 6 Piece of Aerosiderite – 6 Agent’s Sacrificial Knife – 6 Sealed Scroll |
3 → 4 | – 30,000 Mora – 3 Bit of Aerosiderite – 12 Agent’s Sacrificial Knife – 9 Sealed Scroll |
4 → 5 | – 35,000 Mora – 6 Bit of Aerosiderite – 9 Inspector’s Sacrificial Knife – 6 Forbidden Curse Scroll |
5 → 6 | – 45,000 Mora – 4 Chunk of Aerosiderite – 18 Inspector’s Sacrificial Knife – 12 Forbidden Curse Scroll |
Best characters na maaaring gumamit ng Fading Twilight
Ang 4-star bow weapon ay may unique effect na tinatawag na “Radiance of the Deeps”, isang passive effect na nagdadagdag ng damage ng character hanggang tatlong levels (6%/10%/14% sa R1)
Bagama’t ang mga DPS bow characters tulad ni Ganyu ay madalas na umaasa sa kanilang charge shots para sa malalakas na attacks, hinahayaan ng unique effect ng Fading Twilight ang mga players na gamitin ang mga auto-attack combos nang mas madalas para sa mga mas madaling targets.
Ang Fading Twilight ay mabisa sa mga sumusunod na characters”
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.