Oras na naman para ma-hunt at mag-hunt sa Teyvat dahil inanunsyo ng miHoYo ang pagbabalik ng Genshin Impact Windtrace event.

Sa madaling sabi, kombinasyon ang mini-event na ito ng classic childhood games na tag at hide-and-seek. Sa PropHunt-like game na ito, maaaring mag-hunt ang mga players habang ang mga rebels naman ay may kapangyarihang itago ang kanilang sarili bilang iba’t-ibang bagay mula para hindi mahuli.

Heto ang lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa Version 2.4 ng Genshin Impact Windtrace event rerun.

Genshin Impact Windtrace event release date

Credit: miHoYo

Ang Genshin Impact Windtrace event rerun na ngayon ay nasa Version 2.4 na ay inilabas na noong Junary 5. 

Tatagal ang rerun ng dalawang linggo mula January 13 hanggang January 27.


Locations ng Genshin Impact Windtrace

Credit: miHoYo

Base sa Version 2.4 Special Program, ipapakilala sa Genshin Impact Windtrace event ang dalawang bagong lokasyon mula sa Inazuma region

NATIONLOCATIONS
Mondstadt Springvale
Dawn Winery
LiyueQingce Village
Guili Plains (New)
InazumaKamisato Estate (New)
Kujou Encampment (New)
Ritou (New)
Yashiori Island (New)`

Mga rewards sa Windtrace

Credit: miHoYo

Gaya ng naunang Windtrace, maraming freebies ang makakalap ng mga players mula sa event. Una dito ang free Primogems at Talent Level-Up materials, kasama na din ang Mora, character EXP materials, at Mystic Enhancement Ore.

Kailangang malagpasan muna ng mga players ang mga objectives na itinakda bilang hunter at rebels para makuha ang mga rewards na ito.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa mga balita, guides at marami pang iba!

BASAHIN: Paano basahin ang opisyal na Genshin Impact manga chapters