Ang open world role-playing game ng miHoYo na Genshin Impact ay hindi lang isang lugar kung saan makakilala ka ng mga bagong kaibigan, ngunit isa rin itong lugar kung para sa mga nag-iibigan.  

Nakatanggap ng isang supresa ang Pinoy gamer na si Ronica Cabansag matapos mag-propose ang kaniyang partner na si Jerome Javillonar sa Genshin Impact. 

Na-engage ang dalawang Pinoy gamers sa isang espesyal na marriage proposal sa Genshin Impact

Genshin Impact marriage proposal
Credit: Ronica Cabansag

Nangyari ang marriage proposal sa kwarto ni Javillonar, kung saan punong-puno ito ng mga balloons at electronic candles para sa espesyal na okasyon. 

Sa kaniyang kama, pinatong niya ang kaniyang laptop na kung saan makikita ang kaniyang Serenitea Pot realm sa Genshin Impact na ginawa niya pa para sa proposal. 

Ayon kay Cabansag, ang paboritong laro ng mag-jowa ay Genshin Impact. 

“He let me play on his Serenitea Pot,” sabi niya. “He created some obstacles and mazes in the game, and that’s where he wrote the things he wanted to say to me.” 

Gumamit si Javillonar ng daan-daang furnishings, hedges, at bushes para makabuo ng kaniyang marriage proposal na ang nakalagay ay: 

Roses are red 
Violets are blue 
Forever is real with you 
Will you be my waifu? 

Genshin Impact marriage proposal
Credit: Ronica Cabansag

Pagkatapos ay pumasok siya sa kwarto, lumuhod sa isang tuhod, at tinanong ang magical question. Sinagot siya nang oo ni Cabansag habang tumatawa. 

Isang buwan ginawa ang Serenitea Pot marriage proposal setup, dahil kinailangan pa bumili ni Javillonar ng maraming supplies at farm materials in-game, ayon kay Cabansag

“This is how an extreme introvert proposes,” ipinaliwanag niya sa kaniyang Facebook post. “He planned and executed the whole thing all by himself.” 

Maaring panoorin ng mga Genshin fans ang full proposal dito