Malawak ang istorya at alamat ng Genshin Impact, tulad ng mundo ng Teyvat.
Sa kaniyang mahigit 48 playable characters na may kwento sa bawat isa, at pitong bayan na may sariling kultura, parating may bago sa bawat log in sa larong ito.
Kung gusto mong tahakin ang Teyvat bago ang panahon ng traveler twins, isang must-read ang Genshin Impact manga ng miHoYo. Nakatuon ito sa Mondstadt at ang mga pinuno nito, at makakakita ka ng mga characters na wala pa sa laro, tulad ni Vennessa at Eroch.
Ito ay isang gabay kung paano mo babasahin ang lahat ng mga kabanata ng Genshin Impact manga.
Paano basahin ang Genshin Impact manga chapters
Ito ang isang step-by-step na gabay kung paano basahin ang Genshin Impact manga:
- Bisitahin ang Genshin Impact website, I-click ang “Explore” tab, at piliin ang “Manga.” Pwede mo ring basahin ito sa kanilang Webtoon page.
- I-click ang isang chapter na gusto mong basahin.
- Tulad ng mga tipikal na Japanese manga, babasahin mo ito mula sa kaliwa patungong kanan. I-click ang left arrow para makapunta sa susunod na pahina, at ang kanan na arrow para makabalik sa dating pahina.
Hinati ang Genshin Impact manga sa 27 na parte, at ito ay may total na 14 chapters kasama ang prologue.
CHAPTER | GENSHIN IMPACT MANGA TITLE |
Prologue | Song of the Wind |
Chapter 1 | Bad Wine |
Chapter 2 | Flame Born |
Chapter 3 | Lost and Found |
Chapter 4 | Surprise Finding |
Chapter 5 | Dangerous Grounds |
Chapter 6 | Wind and Fyre |
Chapter 7 | Dusty Chest |
Chapter 8 | Final Clue |
Chapter 9 | Ludi Harpastum |
Chapter 10 | Fools Trick |
Chapter 11 | Serpent’s Dance |
Chapter 12 | Unshrouded Resolution |
Chapter 13 | Dual Recurrence |
Saan pwedeng bilhin ang Genshin Impact manga?
Sa kasamaang palad para sa mga collectors, hindi pa binebenta ng miHoYo ang mga pisikal na kopya ng manga nila.
Ngunit wag ka mag-alala, dahil maari ka paring makakuha ng officially-licensed na miHoYo manga mula sa Kadokawa. Ito ay iba pa sa Genshin Impact manga na makikita online.
Ang Kadokawa na bersyon ay tinatawag na Genshin Impact comic anthology at ito ay isang mas masaya na non-canon na manga para sa mga fans.
Available ang Genshin Impact comic anthology sa website ng Kadokawa.