Meron nang 46 playable Genshin Impact character, kasama na ang Traveler. Dahil sa dami ng pagpipilian, gumagawa ang players ng sarili nilang playstyle at strategy para matapos ang nakaka-challenge na Spiral Abyss para sa libreng Primogems.
Dahil dito, napatunayan na may mga Genshin Impact character na mas sikat kesa sa iba, hindi lang dahil waifu o husbando material sila kung hindi dahil overpowered ang damage at reliable din ang skills nila.
Sino nga ba ang most picked Genshin Impact character sa Spiral Abyss Version 2.4?
Kaedehara Kazuha, nanguna sa Spiral Abyss Version 2.4 chart bilang ang most picked Genshin Impact character
Hindi nakakagulat na pinupuno ng 5-star characters ang mga party sa Spiral Abyss. Ang Anemo samurai na si Kaedehara Kazuha ang nakapagtala ng pinakamataas na pick rate sa Spiral Abyss Version 2.4 na 94.5%, ayon sa data ng GenshinLab.
Pinangunahan ng mga support ang meta dahil sina Kazuha, Bennett (91.1%), at Zhongli (90.8%) ang naguna sa charts bilang ang top three most picked characters special domain ng Version 2.4.
Samantala, ang Cryo sword user na si Kamisato Ayaka naman ang pinakasikat na DPS matapos magtala ng 87.7% win rate, ang pinakamataas sa lahat ng damage-dealers.
Pick rate ng Genshin Impact characters sa Spiral Abyss Version 2.4
Narito ang kumpletong listahan ng mga Genshin character at kanilang pick rates:
RANK | CHARACTER | ELEMENT | PICK RATE |
#1 | Kaedehara Kazuha | Anemo | 94.5% |
#2 | Bennett | Pyro | 91.1% |
#3 | Zhongli | Geo | 90.8% |
#4 | Xingqiu | Hydro | 89.5% |
#5 | Raiden Shogun | Electro | 88.8% |
#6 | Kamisato Ayaka | Cryo | 87.7% |
#7 | Venti | Anemo | 82.8% |
#8 | Ganyu | Cryo | 78.3% |
#9 | Hu Tao | Pyro | 72.5% |
#10 | Xiangling | Pyro | 72.2% |
#11 | Sangonomiya Kokomi | Hydro | 69.3% |
#12 | Albedo | Geo | 69% |
#13 | Shenhe | Cryo | 64.2% |
#14 | Arataki Itto | Geo | 63.9% |
#15 | Eula | Cryo | 59.2% |
#16 | Diona | Cryo | 56.6% |
#17 | Mona | Hydro | 54.6% |
#18 | Xiao | Anemo | 50.2% |
#19 | Tartaglia | Hydro | 41.6% |
#20 | Yoimiya | Pyro | 40% |
#21 | Sucrose | Anemo | 38.7% |
#22 | Jean | Anemo | 33% |
#23 | Fischl | Electro | 29% |
#24 | Rosaria | Cryo | 23% |
#25 | Gorou | Geo | 18.8% |
#26 | Beidou | Electro | 16.1% |
#27 | Yun Jin | Geo | 15.9% |
#28 | Klee | Pyro | 15.8% |
#29 | Kujou Sara | Electro | 15.5% |
#30 | Thoma | Pyro | 11.5% |
#31 | Ningguang | Geo | 11.2% |
#32 | Qiqi | Cryo | 10.9% |
#32 | Noelle | Geo | 10.7% |
#34 | Diluc | Pyro | 9.4% |
#35 | Keqing | Electro | 8.3% |
#36 | Chongyun | Cryo | 8.1% |
#37 | Barbara | Hydro | 7.3% |
#38 | Kaeya | Cryo | 6% |
#39 | Traveler | Anemo/Geo/Electro | 4.9% |
#40 | Yanfei | Pyro | 2.5% |
#41 | Sayu | Anemo | 2.1% |
#42 | Lisa | Electro | 1.1% |
#43 | Amber | Pyro | 1% |
#44 | Xinyan | Pyro | 1% |
#45 | Razor | Electro | 0.9% |
#46 | Aloy | Cryo | 0.3% |
Tandaan na ang pick rates na ‘to ay nakatuon lang sa Spiral Abyss, partikular na sa Version 2.4. Bagamat milyon-milyon ang mga manlalaro ng Genshin Impact, ang data na ‘to ay nakabase lang sa sample na 30,000 global players.
Gayunpaman, ang data na ‘to ay makapagbibigay pa rin ng ideya para sa kasalukuyang meta ng Spiral Abyss at kung sinong character ang pwede nilang pagtuunan ng pansin para makabuo ng magandang lineup.
Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa Genshin Impact, i-like at i-follow ang Facebook page ng ONE Esports Philippines.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: ‘Will you be my waifu?’ Lalaki, nag-propose sa kaniyang girlfriend sa Genshin Impact