3:50 a.m. na.
At ikaw ay nag-cra-cram ng iyong mga Genshin Impact Daily Commission tasks.
Pagkatapos mo ito gawin, pumunta ka sa pinakamalapit na Adventurers’ Guild para batiin ng masiyahing Katheryne.
“Ad astra abyssosque! Welcome to the Adventurers’ Guild,” sabi niya.
Nagtaka ka na ba kung ano ang ibig sabihin, origins, at translation ng Ad astra abyssosque ng Genshin Impact? Gusto din namin malaman, at inalam talaga namin ito.
Ibig sabihin ng Ad Astra Abyssosque
Sa Genshin Impact, binabati ka ng receptionist ng Adventurers’ Guild na si Katheryne ng parirala na “Ad Astra abyssosque” sa bawat oras na makikipag-interact ka sa mga non-playable characters (NPC).
Ang pagbati na ito ay Latin, at ang ibig sabihin nito ay “To the Stars and the Abyss.”
Ad Astra Abyssosque sa English, Japanese, at iba pang mga linggwahe sa Genshin
LANGUAGE | TRANSLATION |
English/Latin | Ad astra abyssosque |
Japanese | 星と深淵を目指せ (Hoshi to shinen wo mezase) |
Chinese | 向着星辰与深渊 (Xiàngzhe xīngchén yǔ shēnyuān) |
Korean | 별과 심연의 여행 (byeolgwa sim-yeon-ui yeohaeng) |
Ang Iter Ad Astra Abyssosque teapot set
Ang isang Serenitea Pot outdoor set ay may kaparehas na pangalan na pabor sa mga characters tulad nina Bennett, Qiqi, Chongyun, Fischl, Albedo, at Aloy.
Ito ang mga required furnishing para makumpleto ang Iter Ad AStra Abyssosque teapot set.
QUANTITY | FURNISHING |
1 | Deadwood Road Sign |
1 | Simple Single-Person Tent |
1 | Lightning Protective Tent |
1 | “The Adventurer’s Burdens” |
1 | “Brightcrown Plumebush” |
1 | “Scholar’s Weariness” |
1 | Tianheng Red Maple: Branches Aflame |
2 | Hazel Wildvest |
2 | “Dainty Fists” |
1 | “The Adventurer’s Treasures” |
Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita, gabay, at highlights tungkol sa Genshin Impact.
Ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na article, Genshin Impact’s Ad astra abyssosque meaning explained.