Isipin mo, January 2007 ngayon at World of Warcraft ang pinakamalaking laro sa mundo.
Kakalabas lang ng PlayStation 3, pero mahina ang 30,000 pesos sa presyo nito, tapos hindi pa ganun ka sikat ang mga game titles na kasama nito, at siguro nga’y wala ka talagang PS3.
Pero halos lahat ng tropa mong gamers, at mga hindi po pa kilalang gamers ay nasa PC. Pagdating sa PC gaming, iisa lang ang one game the ruled them all: World of Warcraft.
Kung nami-miss mo ang mga mas simpleng panahon na ‘to, kung kailan ang Blood Elves ang pinakamalupit na racial sa game na ‘to and hindi man lang natin alam kung gaano nakakabuwisit si Sylvanas—eto ang good news, nandito na muli ang World of Warcraft: The Burning Crusade Classic.
Sa success ng World of Warcraft Classic, kaakibat nito ang expansion na The Burning Crusade Classic na magbabalik ng WoW kung paano ito 14 years ago. Ibig din nitong sabihin na magbabalik ang mga legendary na raids tulad ng Serpentshrine Cavern, Tempest Keep, pati na rin ang Black Temple at ang kanilang iconic end bosses, Lady Vashj, Kael’thas Sunstrider, at Illidan Stormrage.
Panigurado, ito ay isang napakataas na estado ng mahabang history ng WoW, kaya’t kung hindi ka pa naglalaro ng WoW ng mga panahong ito, wag na wag mo itong palalagpasin.
Para ipagdiwang ang launch ng The Burning Crusade Classic, nakipag-partner ang Activision-Blizzard sa isang Singaporean food company, Prepped, para dalhin ang authentic Azerothian cuisine sa gamers.
Galing mismo sa official World of Warcraft cookbook, ino-offer ng Activision-Blizzard para sa 50 masuwerteng gamers ang pagkakataon na malaman kung ano ang lasa mismo ng Ironforge Rations at Chimaerok Chops.
Laman ng meal kits ang lahat ng kailangan mo para maluto mo mismo ang pagkain (siyempre, hindi kasama ang stove, pots and pans, na sana’y meron ka), para lalo mo pang ma-explore ang Outland, at may extra na oras pa dahil di mo na kailangang mag-hiwa ng mga gulay.
Kung kulang pa ‘yan, bawat winner ay mananalo din ng 14-day World of Warcraft subscription.