Nag-team up ang TUMI at Razer sa paggawa ng bagong limited esports collection na dinisenyo para sa gamers na laging nasa byahe. Humugot ng inspirasyon ang koleksyon sa ilang iconic TUMI designs tulad ng Finch Backpack at Bozeman Sling at hinaluan ang mga ito ng one-of-a-kind aesthetic ng Razer.

Tinatampok ng bawat parte ng koleksyon ang signature triple-headed snake logo at green accents ng Razer kaya naman madali itong makikilala ng gamers sa buong mundo.

Hindi ito ang unang beses na pumasok sa esports ang TUMI at ang kanilang esports bags ay nagbibigay ng magaganda at kapaki-pakinabang na disenyo para sa pagtabi at pagdala ng gaming gears.

Maglalabas lang ng 1,337 units ng bawat style sa esports collection ng TUMI at Razer sa buong mundo.


Ang limited edition esports collection ng TUMI at Razer ay sisimulang ibenta sa ika-3 ng Hunyo

Limited esports collection ng TUMI at Razer
Credit: TUMI, Razer

Kabilang sa koleksyon ang mga sumusunod na items:

  • TUMI | Razer International Expandable 4 Wheeled Carry-On Luggage (S$1,200)
  • TUMI | Razer Finch Backpack (S$920)
  • TUMI | Razer Bozeman Sling Bag (S$760)
  • TUMI | Razer Laptop Sleeve (S$270)

Ang Finch Backpack ay swak para sa gears tulad ng iyong mouse at keyboard at siyempre may sapat na space para sa isang 15-inch laptop. Nagbibigay naman ng mabilis na access ang diagonal side-zip pockets sa iba pang mahahalagang gamit tulad ng wallet at passport kapag ikaw ay nagta-travel.

Gaya ng ibang TUMI bags, napakatibay ng pagkakagawa sa Finch at mayroon itong waterproof rain cover na pinpoprotektahan ang harapan ng bag.

At ngayong nagsisimula na ulit magkaroon ng live audience sa mga esports events, sakto ang International Expandable 4-wheeled Carry-On Luggage para sa mga jet-setting pros. Mayroon pa itong USB-C charging port kaya naman hindi ka na mamomroblema pa sa battery ng iyong devices.

Ang shell at lining ng luggage ay parehong gawa sa recycled materials, isang testamento ng commitment sa sustainability ng TUMI at Razer.

Ang Bozeman Sling Bag naman ay isang must-have addition sa iyong pang-araw-araw na gamit. Tinatampok nito ang isang quick-release padded at adjustable strap na pwedeng suotin sa magkabilang side, padded mesh back panel para sa additional comfort at zippered main compartment para sa iyong daily essentials.

Magiging available ang limited esports collection ng TUMI at Razer sa piling TUMI stores sa buong mundo maging sa kanilang websites na tumi.com at razer.com. Dagdag pa rito, maaari niyo itong mabili sa piling Razer China stores at specialty retailers tulad ng TMall at JD.


Ito’y pagsasalin ng artikulo ni Wanzi Koh ng ONE Esports.