Isa si Charizard sa mga pinakapaboritong gamitin sa Pokemon Unite.
Solido ang damage output nito, makunat, at kayang lumusaw ng kalaban gamit ang Unite Move. Bukod diyan, isa rin siya sa limang libreng Pokemon na pwedeng makuha pagkatapos ng tutorial.
Kung sawa ka nang madakdakan, ito ang tatlong Pokemon na pwede mong gamitin bilang counter kay Charizard sa Pokemon Unite.
- Ganito pinagana ng Hi5 ang unorthodox Absol at Garchomp sa Pokémon UNITE Asia Champions League 2023
- Renaissance Kamiru: ‘Di naman mahirap makipag-scrim kontra Japanese at Korean teams’
1. Zeraora
Magandang counter kay Charizard si Zeraora dahil sa agresibong playstyle nito.
Mabilis na power spike ni Zeraora, dagok para kay Charizard sa early game
Dahil walang hard stun o burst damage hangga’t sa makatungtong sa level seven, kawawa lang ang Charmander sa Zeraora, na kinikilala bilang ang hari ng early game.
Salamat sa natural mobility at damage output sa early game na kayang maka-knock out ng Charmander, at kahit Charmeleon, sapat na ang presensya ng Zeraora para magduda ang Charizard kung dapat ba itong mag-roam sa mapa.
Para manatiling counter kay Charizard, kailangan na parating lamang ang isang Zeraora sa level dahil madali itong mauungusan kung tumigil ang pagiging agresibo.
2. Alolan Ninetales
Ang reyna (o hari) ng slows at disables, bangungot para kahit kanino ang isang Alolan Ninetales.
Counter kay Charizard ang Alolan Ninetales dahil sa dami ng crowd control moves nito
Kung may hindi matatawarang katotohanan tungkol sa Alolan Ninetales, ito ay ang lakas nito sa laning phase para sa karamihan ng mga Pokemon, pero lalo na para sa isang Charmander.
Lahat ng moves ng isang Alolan Ninetals ay may disable, mapa-stun o slow. Ang presensiya ng Pokemon nito sa late game ay sapat na para malimitahan ang pag-evolve ng isang Charmander papunta sa Charizard.
Bagamat mabisang counter kay Charizard ang isang Alolan Ninetales, pinakamalaking kahinaan din nito ang pinakamalaki niyang kalakasan. Delikado kasi siyang malapitan, kaya’t dapat bantayan ng mga manlalaro ang kanilang puwestuhan para ‘di mahuli.
3. Cinderace
Kung attack range at raw damage lang din naman ang pag-uusapan, walang panama ang Charizard kay Cinderace.
I-utilize ang long range at high damage output ng Cinderace para i-knockout ang Charizard
‘Di tulad ni Zeraora, palong-palo pa rin sa late game si Cinderace, kaya hindi nasusukat sa haba ng laban ang kontrahan, kung hindi sa execution.
Alalahanin lang parati ang pwestuhan habang nagpo-poke. Wala naman kasing mobility ang isang Charizard kaya’t ang option lang nito tuwing kaharap ang isang Cinderace ay makipagsabayan o umuwi.
Ang tsansa lang ng Charizard para makaharap sa isang Cinderace ay kung gagamitin nito ang Unite Move para makalapit. Kung mangyari ito, i-kite lang ang Pokemon hanggang sa maubos ang Seismic Slam.
Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: