Dalawang linggo ng bakbakan na ang napanood sa gumugulong na MPL Philippines Season 11 (MPL PH S11) at hindi bigo ang mga miron sa nasaksihan na kaledad ng Mobile Legends sa tinaguriang pinakamagaling na MPL rehiyon sa buong mundo.

Hindi nagpatumpik-tumpik ang kalahok na teams na ipakita ang sarili nilang style of play ngunit nanatiling namamayagpag sa regular season standings ang mga koponan ng Bren Esports, ECHO, Blacklist International at RSG Philippines.

Credit: MPL Philippines

Kaakibat nito, unti-unti ring nailahad sa pagtatapos ng Week 2 ang nagdodominang meta play sa bansa. Sinasalamin ng hero picks at bans ng mga koponan kung paano maglaro ang mga Pilipino sa Land of Dawn.

Sa article na ito, sesentro ang ONE Esports Philippines sa paboritong picks ng teams sa gumugulong na season at hihimayin kung bakit ito ang pinapaboran nila.


Fredrinn at Valentina paborito ng teams sa MPL PH S11

Credit: Moonton

Sa gumugulong na MPL PH S11, mapapansin ang pagpabor ng teams sa Fredrinn at Valentina na parehong kinua ng 25 beses para sa 81% pick rate, ang pinakamataas na bilang ng picks sa listahan.

HeroPicksPick RateWinsWinrate
Fredrinn2581%1664%
Valentina2581%1248%
Pharsa1652%850%
Lapu-Lapu1445%642.86%
Ruby1445%642.86%

Sinasabe ng talaang ito na mas pabor pa rin ang mga Pinoy sa pagkuha ng tempo heroes sa jungle tulad ng Fredrinn na kayang dominahin ang early game objectives at tumangke ng sandamukal na damage.

Kasama pa ang disenteng damage capability ng hero, talagang malaki ang epekto ng fighter pagdating ng team fights at objective takes. Patunay din ang 64% win rate nito sa kakayahan ng hero na baguhin ang hulma ng laro.

Bagamat mas marami na ang pagkakataong may lumalabas na assasin heroes sa mga bakbakan sa liga (ilan lamang sa kanila ay Hayabusa, Lancelot ngunit naka Tank Build), talagang gumagana pa rin para sa mga Pinoy ang makukunat na junglers.


Katuwang ng Fredrinn ang Valentina sa most picked hero sa MPL PH S11 sa kadahilanang nanatili na OP ang kaniyang “I am You” ultimate na kayang bumaliktad ng team fights. Madalas isalang ang hero sa mid lane ngunit hindi na rin bagong makita ito sa jungle role, partikular na sa kamay ng Blacklist International.

Credit: Moonton

Hindi man kasing-taas ang win rate ng mage kumpara sa naunang tank jungler, disente pa rin ang kaniyang 48% win rate.

Kasunod niya sa listahan ang kapwa mage hero na Pharsa na kinuha ng 16 beses ng teams sa MPL PH S11. Nasaksihan sa liga ang kakayahan ng hero na mag-zone gamit ang kaniyang Feathered Air Strike ultimate sa paligid ng neutral objectives, at makakuha ng kills dahil sa kati ng kaniyang magic damage output.

Sa ika-apat at ikalimang spots ang kapwa fighters na Lapu-Lapu at Ruby. Matapos ipakita ni Sanford “Sanford” Vinuya ang kisig ng Lapu-Lapu sa M4 World Championship, unti-unting naging paborito ang hero sa EXP lane lalo pa’t swabe ang kontrol at damage na kayang ilabas ng Bravest Fighter ultimate.

Samantala, napapasin din ang pagkiling ng teams sa Ruby na matindi ang team fight control dahil sa skillset ng hero. Kaya kasing ibaling ng isang I’m Offended ultimate ang resulta ng isang team fight, at napanood ng mga miron ang kakayahan ng hero sa kamay ni Jefferdson “Kekedoot” Mogol at Borris James “BruskoDR” Parro.


Ano ang sinasabe nito tungkol sa PH meta?

Credit: MPL Philippines

Sa jungler role, kitang-kita ang dominasyon ng tank junglers, at kahit pa may ilang assassins na ginagamit tulad ng Karina at Lancelot, binubuuan pa rin ito ng tank items para mas makatagal sa team fights at objective takes.

Kung titignan naman ang EXP lane at Mid lane, utility at zoning pa rin ang pinahahalagahan ng Pinoy teams para makalamang sa objective-takes. Samantala, magkahalong setup capability at zoning ang inaambag ng roam picks sa MPL PH S11.

Madalas ding mapapanood na binigyan muli’t-muli ng teams ng espasyo ang kani-kanilang gold laners para makabuo ng kanilang main items para makasama sa team fights at buhatin ang laro pagdako ng late game.

Credit: MPL Philippines

Mahihinuha na patuloy na utility ang primerang pokus ng teams sa Pilipinas, at mataas pa rin ang prayoridad sa objectives kumpara sa ibang rehiyon. Pareho itong rason kung bakit nagdomina ang teams mula sa bansa sa dalawang nakalipas na M World Championships.

Bagamat maaga para sabihin na ito na ang magiging istilo ng laruan sa MPL PH S11, magandang litrato ito para malaman kung saan papunta ang rehiyon bago pa man umiral ang susunod na patch.


I-like at i-follow ang Facebook ng ONE Esports Philippines!

BASAHIN: Kontrahin si Fredrinn gamit ang 3 hero na ‘to sa Mobile Legends