Matapos nilang ilabas ang kanilang reality show na “The Gaming House” at ang pagtayo ng panibagong headquarters para sa kanilang mga talents, sasabak naman ang Tier One Entertainment sa mundo ng music sa kanilang bagong idol group.
Inanunsyo ng Philippine-based gaming company at talent agency ang debut ng kanilang idol group na ngayon ay tinatawag nilang “Project 4.”
Ang mga myembro ng grupong ito ay mga international influencers at content creators.
Tier One Entertainment Project 4 idol group members
Project 4 — har_fie
Instagram account ni Harf_fie: @har_fie
Ang model at cosplayer na si Harry “har_fie” Field ay ang unang myembro ng Project 4. Siya ay naka-base sa United Kingdown at napa-wow niya ang gaming at anime community sa kaniyang mga Yasuo, Mirio, at Pantheon cosplays.
Pinangako ng Tier One na ipapakilala nila ang tatlo pang myembro ng kaniyang idol group sa mga “susunod na buwan.”
“Not only are we signing new talents for the Japanese market, but we’re also going to debut our idol group, which will be Tier One’s greatest expression of cutting-edge style to date,” sabi ng co-founder at cosplayer na si Alodia Gosiengfiao.
Ngayong buwan lang, pumasok sa isang partnership ang kompanya kasama ang Japanese fighting game legend na si Umehara Daigo.
Tier One Entertainment sa Japan
Lumalawak din ang operasyon ng Tier One Entertainment papunta sa land of the rising sun. Magbubukas sila ng isang office sa Tokyo, Japan ngayong taon.
Tier One Entertainment is expanding its operations to the land of the rising sun. They are looking to open an office set in Tokyo, Japan later this year.
“As gaming, esports, anime and toys become more and more part of a gamer’s day-to-day life, I truly believe that Tier One has to set foot in Tokyo, the mecca of geek culture,” sabi ng CEO at co-founder na si Tryke Gutierrez.