Podium finish ang asahan niyo sa Team Sibol sa Southeast Asian (SEA) Games ngayong taon.
Team Sibol, umaasang mapapanatili sa Pinas ang kanilang titulo na overall esports champion sa paparating na SEA Games
Matapos makoronahang overall champion sa esports division ang Team Philippines sa nakaraang SEA Games, dedikado ang national team ng bansa, ang Team Sibol, na panatilihin ang titulo na ito sa paparating na SEA Games ngayong taon.
Sabi ng General Manager ng Team Sibol, si Leo Andrew “Jab” Escutin, mataas ang kanilang expectations para sa mga atletlang Pinoy na manalo, o di kaya makamit ang mga podium finishes sa kani-kanilang laro.
“These athletes that we have are currently the number one in their respective fields. So basically not only in the Philippines but in the entire region itself,” sabi in Jab.
“We have really good expectations with the current roster that we have and of course, we are expecting a lot of podium finishes. So in that way we are expecting a really good fight to defend our title,” dagdag pa niya.
Ang pinakamalaking pagsubok naman para sa Team Sibol sa kanilang mga preparasyon para sa SEA Games ay ang seguridad ng mga atleta laban sa sakit, lalong-lalo na sa panahon ng pandemya.
“The hardest challenge would be making sure that everybody is safe with all the pandemic situation and restrictions. We wanted to make sure first off, that our athletes are safe and we wanted to make sure that the training regimen that we’re preparing for them, that they are actually safe and that they’re able to travel especially this time,” ani ng head coach ng Team Sibol.
64 na Pinoy delegates ang lilipad sa Hanoi, Vietnam para sa paparating na SEA Games ngayong taon. 55 ay esports athletes habang siyam ang coaches.
Lalahok ang Team Sibol sa iba’t-ibang laro para sa SEA Games, tulad ng FIFA Online, Free Fire, League of Legends, Mobile Legends: Bang Bang, Wildrift, at PUBG Mobile.
Gaganapin ang SEA Games ngayong May 12 hanggang May 23, 2022.
Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa paparating na SEA Games.