Nagsimula na ang Pokemon Unite Asia Champions League at ginulat ng Renaissance ang turneo nang walisin nila ang sa kanilang debut match ang Escape V sa tulong ng Dragapult ni Freddy “Kamiru” Lim.

Matapos selyuhin ang ikatlong puwesto noong nakaraang taon sa Pokemon Unite World Championships, na ginanap sa London, hindi na rin nakagugulat kung isa ang Renaisscance sa mga paboritong pambato sa ACL Southeast Asian League. Kahit pa tatlong miyembro lang ang naglalaro mula sa WCS roster nila, gayun pa rin sila magdomina.

Isa sa mga dahilan sa magandang performance ng Renaissance ay ang pakikipag-scrim nila sa iba’t-ibang koponan mula sa iba’t-ibang rehiyon.

At ayon kay Kamiru, maganda ang nakukuha nilang resulta. “We haven’t been put in a position to adapt to other teams’ playstyles yet. We’re able to focus on drafting Pokemon we’re most comfortable playing,” aniya.

Nang kumustahin ang kanilang lagay kontra mga pambato mula sa Japan at Korea, inamin niyang hindi naman ito ganoon kahirap.



Inaasahan ni Kamiru na magbabago ang takbo ng turneo ‘pag nasanay na ang mga kalahok sa draft mode

Renaissance Kamiru: 'Di naman mahirap makipag-scrim kontra Japanese at Korean teams'
Credit: ©2021 Pokémon. ©1995–2021 Nintendo / Creatures Inc. / GAME FREAK inc. ©2021 Tencent.

“I don’t feel it’s difficult scrimming against Japanese and Korean teams,” giit niya. Napapagana naman daw nila ang kanilang comfort picks, pero naniniwala siyang magbabago ito ‘pag nakapag-adjust na ang mga koponan sa draft mode.

Ang Pokemon Unite Asia Champions League ang unang opisyal na turneo na gumagamit ng pinakabagong draft pick mode, na in-introduce sa laro noong December 1 ng nakaraang taon. Sa bagong mode na ‘to, nabibigyan ang mga koponan ng pagkakataon na mag-ban ng isang Pokemon bago magsalitan sa pagpili ng kanilang lalaruin.

Dahil bago itong mechanic, nag-a-adjust pa ang mga koponan sa bagong competitive mode na ‘to.

“At the moment, bans haven’t been team-targeted but progressively I think that will change. It’s just that it’s all too new at the moment,” paliwanag ni Kamiru. Sa ngayon, pina-prioritize ng ng mga koponan ang pag-ban sa partikular na meta Pokemon imbes na sa mga comfort picks ng kanilang kalaban.

Madalas ngayong i-ban sa Asia Champions League sina Sableye, Urshifu, at Mew.



Lalaruin ng Renaissance ang susunod nilang laban sa ika-28 ng Enero kontra Indonesian Open 2022 champion na Rise.

Masusubaybayan ang laban sa YouTubeFacebook, o Twitch streams ng ONE Esports.

Para manatiling updated kay Kamiru, i-follow lang ang kanyang Twitter at Twitch channel.


Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Pokemon UNITE Asia Champions League: Schedule, resulta, saan mapapanood