May anim na koponan na natitira sa Pokémon UNITE Asia Champions League 2023. Nakapili ka na ba ng pambato mo sa offline finals?

Pagkatapos ng walong linggong regular season, ang top 6 teams na nagmula sa East Asia, Southeast Asia, at India na lamang ang nalalabi. Maghaharap-harap sila sa offline final sa Kuala Lumpur, Malaysia, sa harap ng isang live crowd para magkaalaman na kung sino ang tatanghaling kampeon.

Para matulungan kang magpasya kung aling koponan ang pipiliin, tingnan natin ang performance ng bawat team sa ngayon at kung ano ang masasabi nila sa pagpasok sa finals.



East Asia

Hi5

Ang mga undefeated kings ng East Asia, ang Hi5 ay ang koponan na inaabangan ng lahat sa offline final.

Nakuha nila ang kanilang nakakatakot na reputasyon matapos masakop ang East Asia league nang walang kahirap-hirap, walang koponan sa loob ng kanilang rehiyon ang makakapantay sa kanilang signature playstyle. Maging si Shingdi mismo ay nagulat sa tagumpay ng koponan.

“Actually, it’s quite surprising that we didn’t drop a single game in this tournament, because we only formed our team not long ago. I would dedicate this result to every team member’s effort.”

Walang nakakaalam kung ano ang dapat aasahan nang makapasok ang Hi5 sa Pokémon UNITE Asia Champions League. Sila ang tipo ng koponan na hindi masyadong kilala dahil sina ZzzRay at ikura lamang ang naglaro sa WCS competitive circuit noong nakaraang taon kasama si RJ Gaming. Gayunpaman, nilinaw nila sa East Asia league na narito sila upang manalo.

Gustung-gusto nilang maglaro nang mabilis sa pamamagitan ng pagsisimula ng back-to-back na mga laban upang ma-secure ang mga objecives at makakuha ng map control. Kahit na dehado sila, huwag kang magulat pag nakita mo ang Hi5 na sumabak sa fight upang pantayin ang laban. Nakilala rin  sila sa paggawa ng mga split second decision na maaaring bumaliktad sa tila natatalo nang laban.

Ang buong koponan ay kayang gumamit ng iba’t ibang uri ng Pokémon sa mataas na level, kabilang ang ilang mga off-meta options tulad ng Absol at Garchomp na gumulat sa ilang mga koponan. Maaaring magulo ng bagong patch ang mga bagay-bagay, ngunit sapat ang kumpiyansa ni Shingdi na kaya nilang manalo anuman ang mangyari.

Hindi pa namin sila nakikitang madehado, kung kaya’t napapaisip kami, may kaya bang tumapat sa kanila?



T2

Isa sa mga pinakatatagong lihim ng East Asia, malamang na nakawin ng T2 ang spotlight bilang isa sa mga pinakamahusay na team sa Asia.

Maraming fans ang magiging pamilyar sa team na ‘to. Isa sila sa dalawang koponan na kumatawan sa Japan noong nakaraang taon sa Pokémon UNITE World Championship 2022 sa London. Nagbago ang roster sa pag-alis ni Mame habang si Takishima ay umatras mula sa koponan upang bigyang puwang sina Ajun at Hobachi.

Mabilis na natagpuan ng bagong roster ang kanilang team synergy sa regular season at kumportableng nakaposisyon ang kanilang sarili bilang pangalawang pinakamalakas na koponan sa rehiyon matapos talunin ang Secret Ship sa East Asia playoffs. Bagama’t hindi nila nagawang talunin ang Hi5, patuloy silang humuhusay sa bawat seryeng nilalaro.

Iniuugnay ni Ruin ang tagumpay ng koponan sa kanilang matatag na ugnayan sa isa’t isa, na nagbibigay-daan sa kanila na malampasan ang mga malalaking hadlang upang magsama-sama bilang isang unit. Sinabi pa niya na excited ang team sa bagong patch, ang pagdaragdag ni Zacian sa roster ng puwedeng laruin na Pokémon at mga buff sa hindi gaanong ginagamit na Pokémon ay nagbigay ng motivation sa T2.

Sa lahat ng mga koponan na malalaro sa finals, ang T2 ang pinakametikuloso pagdating sa drafting stage. Isa itong koponan na nag-draft batay sa playstyle ng kalaban at pipili ng Pokémon na kayang pumalag sa laban. Nakita na nating i-deny nila ang key Pokémon ng kanilang kalaban sa pamamagitan ng pagkuha nito para sa kanilang sarili, na nagpapakita na kaya nilang umamit ng iba’t ibang uri ng Pokémon.

Abangan ang T2 sa finals dahil hindi natin alam kung anong sikreto pa ang ilalabas nila.



Southeast Asia

Team MYS

Matapos mapatalsik mula sa trono ng Southeast Asia league, papasok ang Team MYS sa finals na may matinding apoy na maaaring maging isa sa mga pinakamalaking banta sa tournament.

Nabuo ang Team MYS noong 2022 at nakuha ang kanilang puwesto sa Pokémon UNITE Asia Champions League sa pamamagitan ng pagpupursige sa unang puwesto nang walang talo sa Malaysia Open 2022. Ang koponan mismo ay binubuo ng old at new blood, kung saan sina Yang at Rebong ay dating miyembro ng Renaissance samantalang sina Yemu, Froggy, at Nightmew Foxy ay medyo hindi pa kilala sa Pokémon UNITE competitive scene.

Mataas ang ekspektasyon nang magsimula ang regular season, at madali itong natugunan ng Team MYS. Sobra pa nga dahil nagawa pa nilang makuha ang unang seed at ang unang slot sa finals mula sa walang iba kundi ang Renaissance. Sa kasamaang palad, nagkaroon ng malaking dagok ang koponan matapos makuha ng Rise ang unang puwesto sa Southeast Asia playoffs.

Sinabi ni Rebongs na sinuri at pinag-isipan ng koponan ang bawat laro at nakakuha ng maraming karanasan mula dito.

“For us, not winning the finals is a tough pill to swallow, but it is a necessary reminder for us to work even harder than before. Right now, we are very motivated and have a strong desire to win Pokémon UNITE Asia Champions League, which makes us one of the strongest teams.”

Sa Southeast Asia playoffs, walang humpay ang Team MYS sa lahat ng kanilang mga laro. Madalas silang naglalagay ng pressure sa mga side lanes sa simula pa lang at masaya na pumili mula sa maraming off-meta offensive options kabilang ang Greedent, Zoroark, at minsan Tyranitar para sa dagdag na late game power.

Ang koponan ay excited na maglaro sa bagong patch sa finals, dahil mahilig silang mag-explore ng mga bagong meta at sumubok ng mga bagong diskarte. Nakakatuwang makita kung anong mga bagong creative na ideya ang mayroon sila sa sandaling magsimula ang offline final sa susunod na linggo.

Nangako sila na ibibigay nila ang kanilang puso sa finals, kaya kung gusto mong makakita ng mga wacky drafts, magugustuhan mo ang Team MYS.



Rise

Ang pinakabagong pinagkakaguluhan mula sa Southeast Asia na nakapasok sa offline final, ginulat ng Rise ang maraming fans at binasura ang lahat nang tournament predictions na lumabas.

Katulad ng Team MYS, nakuha ng Rise ang kanilang puwesto sa Pokémon UNITE Asia Champions League matapos manalo sa Pokémon UNITE Indonesian Open 2022 noong nakaraang taon. Ang pangalang Rise ay matagal nang nasa Indonesian Pokémon UNITE scene, ngunit ang partikular na version ng team na ito ay bago. Wala sa mga kasalukuyang manlalaro sa koponan ang naglaro sa ilalim ng banner ng Rise noong WCS competitive circuit noong nakaraang taon.

Natagpuan nila ang kanilang mga sarili sa gitna ng kaguluhan sa Southeast Asia league, hindi man nila nagawang pabagsakin ang mga higante ng rehiyon ngunit nanatili silang nangunguna sa natitirang bahagi ng kompetisyon. Sa playoffs ay nagpasya ang Rise na tuluyang magwala upang agawin ang huling puwesto para sa offline na finals mula sa Renaissance, maging ang Team MYS ay tinalo nila sa regional finals para sa unang pwesto.

Walang makakapagsabing tsamba lang ang mga panalong ito.

Kung ikukumpara sa iba pang mga koponan na maglalaro sa Southeast Asia league, ang Rise ay nagpakita ng pinakamaraming paglago bilang isang koponan sa pangkalahatan. Nagsimula sila na binubuhat ni Eeyorr ang team patungo sa isang ganap na roster ng mga players na may pare-parehong kakayahan, ang bilis ng pag-unlad na ito ay kung bakit ang koponan na ito ay exciting panoorin. Pinupuri rin ni Eeyorr ang kanyang mga teammate na si AXQ, na sa tingin niya ay ang pinakamahusay na manlalaro sa Asia.

Mahilig ang Rise gumamit ng double Attacker composition gamit ang Pokémon tulad ng Glaceon at Delphox, na may ilang front liners gaya ng Snorlax at Wigglytuff, upang kumilos bilang mga bodyguard habang nagpapaulan sila ng apoy at yelo. Nahihirapan ang mga koponan na masira ang signature playstyle ng Rise, kaya malaki ang posibilidad na makita natin itong muli sa offline final.

Matapos ang kanilang pagkapanalo sa Southeast Asia, tiyak na mas maraming mata ang manonood sa kanila pagdating sa offline finals. Para sa Rise mismo, masaya lang sila na nakakapaglaro sila at natuto mula sa mga pinakamahusay na koponan sa Asia.



India

Marcos Gaming

Pakatapos mamayagpag sa Indian sccene, handa na ang Marcos Gaming na sakupin ang Asian region.

Nagulat ang lahat sa kanilang malakas na performance sa Indian regular season, mabilis na nakilala ang Marcos nang matapos nila ang phase one ng Indian league nang walang talo. Bagama’t natalo sa unang puwesto sa Indian playoffs sa Revenant Esports, nakatutok pa rin ang team sa mas malaking target.

Nakakagulat na hindi pa ganun katagal ang samahan ng partikular na roster na ito. Nabuo ang lineup na ito ng Marcos Gaming noong ikalawang bahagi ng 2022 dahil ang ilan sa mga manlalaro ng kasalukuyang roster ay naglalaro para sa iba’t ibang koponan sa WCS competitive circuit. Bagama’t walang matagumpay na nakapasok sa Pokémon UNITE World Championship 2022 sa London, malinaw na nasiyahan sila sa kanilang tagumpay sa Pokémon UNITE Asia Champions League 2023.

Ayon kay Volc, ang dahilan kung bakit ang koponan ay nakakuha ng napakaraming tagumpay ay dahil sa kanilang kakayahang mabilis na mag-adapt sa anumang sitwasyon at ang kanilang pinong mechanical skill.

Ang bagong patch ay maaaring hindi sinasadyang na-buff ang team na ito pati na rin ang pagdaragdag ng bagong item na Slick Spoon kasama ang ilang mga pagbabago sa kasalukuyang lineup ng puwedeng laruin na Pokémon. Gustung-gusto ng Marcos na gumamit ng mga mage-like Attacker type na Pokémon gaya ng Delphox at Sylveon. May posibilidad ding makita natin silang gumamit ng Espeon sa finals dahil kamakailan lamang ay nakatanggap ito ng ilang malalaking buffs sa pinakabagong update.

Ito ang magiging unang international Pokémon UNITE offline event para sa roster kaya ito ay magiging isang malaking learning experience na makakatulong sa koponan na lumago at maaaring magdala sa kanila sa susunod na level.

“We’re looking forward to playing against international teams and see how our strategy fairs against theirs!”

Huwag isipin na dehado sila dahil sa kakulangan sa experience. Tandaan na palaging ang mga baguhan ang may pinakamalaking drive at ang koponan na ito ay tiyak na gutom na manalo.



Revenant Esports

Matapos ang kanilang Cinderella story sa India regional finals, kayanin kaya ng Revenant Esports na baguhin ang kanilang kwento upang makakuha ng happy ending sa offline final?

Sa lahat ng mga teams ng Pokémon UNITE sa India, ang Revenant Esports ang pinakakilalang pangalan sa rehiyon. Noong nakaraang taon ay nakapasok at kinatawan nila ang India sa Pokémon UNITE World Championship 2022 sa London, kung kaya’t sila ang unang koponan sa rehiyon na nakatapak sa international competition.

Ang kanilang kampanya sa Pokémon UNITE Asia Champions League ay hindi naging kasing swabe ng gusto nila. Nagkaroon sila ng magaspang na simula sa regular season dahil sa sunud-sunod na mga aberya ngunit nagawa nilang magpatuloy sa regional playoffs nang walang talo.

Sa pagtatapos ng playoffs, kumportable sila sa mga team fight heavy compositions gamit ang mga Pokémon gaya ng Snorlax, Gardevoir, at Hoopa. Gustung-gusto nilang kontrolin ang takbo ng labanan na may mga high impact stuns, may access sa game changing unite moves, at nagagawa pa rin nilang i-sustain ang squad sa mahahabang standoffs ng team.

Sa nalalapit na offline finals, tiwala si Crowley na handa na ang koponan na muling tumapak sa international stage.

“As a team it feels good to get back into International LAN environment, teams are looking pretty stacked and we’re keen to prove our worth!”

Ang pinakahuling patch update ay nagdagdag ng isa pang hadlang para sa paghahanda ng koponan para sa finals. Tinukoy ni Crowley na ang ilan sa kanilang mga paboritong picks ay na-nerf sa kasamaang-palad. Gayunpaman, walang dapat ipag-alala dahil sinabi niyang bumalik na sila sa drawing board at naghahanda ng mga bagong diskarte para sa paparating na finals.

Panoorin ang finals nang live sa March 18 at 19 sa mga stream ng YouTube, Facebook, o Twitch ng ONE Esports.

Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.